Kim Chiu at Xian Lim, bongga ang New Year Celebration sa China!

Iba-iba nga naman talaga ang Pinoy kapag sinasalubong ang Bagong Taon. Mapa artista man o ordinaryong tao, ay talagang makikita kung paano nagiging masaya ang pagsalubong ng taong 2019.

Source: Instagram

Marami ang sinasalubong ito kasama ang kanilang mga mahal sa buhay lalong lalo na ang kanilang pamilya. Makikita ang magkabilang reunion, ang mga masasarap na pagkain sa Media Noche, mga masisiglang paputok at mga torotot, at maging mga halakhalakan, sayawan o kantahan.

Source: Instagram

Napakasaya nga naman talaga ng pagdiriwang ng pagsalubong sa bagong taon. Pero mas magiging masaya din iyan panigurado kung kasama mo ang mahalagang tao sa buhay na may malaking puwang sa iyong puso.

Source: Instagram

Nangunguna diyan ang nakakakilig na love team at real life couple na KimXi, sina Kim Chiu at Xian Lim. Sinalubong nila ang 2019 ng magkasama, hindi dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa, sa China.

Source: Instagram

Makikita sa IG post ni Kim noong December 30 ang picture nilang dalawa ni Xian na enjoy na enjoy na kumakain ng street food.

Source: Instagram

May kasama pang caption na:
“collecting memories in CN @xianlimm.”

Source: Instagram

Samantala, sa ibang post naman ni Xian noong December 31 sinabi niyang madaling mahalin si Kim dahil talagang masayahin ang personalidad ni Kim.

“Loving you, is such an easy thing to do… [heart emoji] @chinitaprincess,” sabi ni Xian.

Source: Instagram

Kasama na din sa post na ito ang iba’t ibang pictures nilang dalawa na magkasama na makikita at bakas ang tuwa at ligaya nilang dalawa na magkasama.

Source: Instagram

Wala ngang makakatumbas sa sayang hatid ng kanilang China trip sa pagsalubong sa Bagong Taon. Kung kaya’t mas tumitibay ang kanilang relasyon lalo na’t noong November 2018 ay opisyal na nilanv ipinahayag sa publiko na mayroon silang relasyon.

Source: Instagram

Usap-usapan na noon na mukhang mayroong relasyon ang dalawa lalo na’t laging napakaraming surprises ni Xian kay Kim. Pero, hindi ito kumpirmado noon.

Nagkasama din silang dalawa sa iba’t-ibang mga teleserye at pelikula na My Binondo Girl(2011), The Story of Us(2016), Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo (2013), Bride For Rent (2014), Past Tense (2014), at All You Need is Pag-ibig (2015).

Sa ngayon, tuloy tuloy lang ang karera ng dalawa sa mundo ng showbiz at makikitang masaya sila sa kanilang tagumpay at lalo na sa piling ng isa’t isa.