Mansion nila Jinkee Pacquiao sa Los Angeles, nakakalula sa laki at ganda nito

Isa nga naman si People’s Champ Manny Pacquiao sa mga pinakamayamang tao sa Pilipinas. Kilala siya bilang isang magiting na boksingero sa ating bansa at maging isang senador. Kaya naman, kada laban niya ay tumitigil ang buong Pilipinas maging ang buong¬†mundo para panoorin ang kanyang laban.

Photo Source: TNP

Hindi maikakaila na ‘from rags to riches’ din ang kwento ni Pacman. Hindi naman naipanganak sa ginto ang ating People’s Champ. Nagsakripisyo din siya at nakipagsapalaran na lumuwas sa Maynila upang maghanap buhay. Alam niyang puhunan at talento niya ang kagalingan sa boxing kaya naman dito din siya naging matagumpay, yumaman at nakilala sa buong mundo.



Photo Source: TNP

Kung dati ay pangarap ni Pacman na mabigyan ng magandang bahay ang kanyang pamilya, ngayon ay tinatamasa na niya ito. Hindi lamang isa kundi napakarami na nga naman ng mga mansion at bahay ni Pacman hindi lamang dito sa Pinas kundi maging sa ibang bansa. Kaya naman, ipinasilip din naman ni Jinkee Pacquiao, ang may bahay ni Pacman ang kanilang mansion sa Los Angeles.

Photo Source: TNP

Papalapit na nga naman ang laban ni Pacquiao, kaya lumipad na si Pacman sa U.S. upang mag ensayo. Pero, hindi lamang ang kanyanh team at trainor ang kanyang kasama. Bitbit din niya ang kaniyang inspirasyon, walang iba kundi ang kanyang buong pamilya.

Photo Source: TNP

Kasama na dito siyempre ang kaniyang asawang si Jinkee, kasama ang mga anak na sina Michael Pacquiao, Emmanuel Pacquiao Jr., Mary Divine Grace Pacquiao, Queen Elizabeth Pacquiao, at Israel Pacquiao. Makikita na talagang todo suporta ang pamilya sa kanilang ama kaya naman paniguradong ganadong ganado si Pacman sa loob ng ring. Pero pag-usapan muna natin ang sa labas ng ring, atin munang silipin ang tahanan nila Pacman sa Los Angeles.

Photo Source: TNP




Dalawang palapag ang kanilang bahay dito na may Spanish facade at bubong na gawa sa tiles. Makikita din ang minimalist inspired na sala, kulay puti at itim at mula sa sahig hanggang sa ceiling ay yari ito sa salamin na hinahayaang tumatagos ang hangin o maging sinag ng araw. Ang sarap nga namang magpahinga sa ganitong klase ng bahay.

Photo Source: TNP

Kung pagkain naman ang hanap mo, handang handa naman ang kusina na may silver at dark brown na pinta at may German engineering na cabinet.

https://www.youtube.com/watch?v=jmn5JKzaaio

Samantala, bumili naman si Manny ng isa pang mansion sa katabing lugar nito sa Beverly Hills, na may 10,000 square-foot. Pagmamay-ari ito dati ni Sean “Diddy” Combs. Tinatayang nabili niya ito sa halagang 11.9 million dollars.

Makikita dito na talagang iba ang kwento ng tagumpay ni Pacman, na tuloy tuloy lang dahil ibinabahagi niya ito sa kanyang pamilya at maging sa ibang tao.