Iba nga naman kapag tayo na ang nagbibigay sa ating mga magulang, lalong-lalo na sa ating mga ina. Matapos ang kanilang sakripisyo, at ilang buwan na pagdadala sa atin sa kanilang sinapupunan, maging ang ilang taon na pagaaruga at pag aalaga sa atin upang tayo ay mapalaki ng maayos at tulungang maging matagumpay, karapat-dapat lang talaga na mapasaya natin ang ating mga ina.
Lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan. Iba-iba ang gimik ng mga anak kung paano mapasaya ang kanilang mga magulang. Mayroong mga nagbigay ng mga bag, sapatos, mamahaling alahas, o ang iba’y simple lang basta’t makasama ang kanilang ina na masaya sa Pasko.
Pero iba ang gimik ni Rotski Bautista upang mapasaya ang ina. Mala game show pa nga ang surprise niya sa kanyang ina matapos gayahin ang segment sa mga game show na Pera o Kahon.
Makikita sa video na tuwang tuwa ang mga kasama nila sa bahay habang ang ina ay napapaisip at talagang curious na curious sa laman ng mystery box na ito. Kung kaya’t inumpisahan na ni Rotski ang tawaran, nagsimula ito sa 5,000 pesos at mabilis lang na sinabi ng ina na piliin ang ‘kahon’.
Hanggang sa tumaas na ang offer at 15,000 na ang nakasalalay na pera sa pagpili, dito ay mejo napaisip na ang ina at gulong-gulo na kung ano nga ba ang dapat piliin. Pero, hindi nagpatinag si nanay, at pinanindigan na ang kahon. Pinili na niya ang kahon at ito na talaga ang kanyang huling desisyon.
Kaya, binuksan na ni Rotski ang laman ng kahon. Pagkabukas, ay nakabalot pa rin ito pero makikita ang hulma ng kaldero. Nang makita ito ay hindi maipinta ang mukha ng ina, dahil kung iisipin ay ipagpapalit mo nga naman ang 15,000 sa isang kaldero.
Pero, inabot ni Rotksi ang kaldero sa ina at sinabing buksan ito. Laking gulat ng ina nang buksan ito at talagang abot langit anf kagalakan niya sa kanyang nakita. Sa tingin ninyo, ano kaya ang laman ng kalderong ito?
Hindi sapatos, bag o alahas at mas lalong hindi pagkain. Kundi, tumataginting na pera na naglalaman ng tig iisang libo na nakabundle pa at punong-puno ang kaldero. Hindi ba’t nakakabigla nga naman ito?
Mas nabigla naman dito ang mga netizens at makikita sa kanilang mga reaksyon ang paghanga kay Rotski. Ito nga naman ang tunay na pagmamahal ng Pinoy sa kanilang mga magulang. Hindi matatawaran ang tuwa na kanilang ibinibigay sa kanilang ina.