Mylene Dizon at Jason Webb, kitang-kita ang tuwa sa piling ng isa’t-isa sa mga larawan sa kanilang social media accounts

Sila Mylene Dizon at Jason Webb ay naging magnobyo noong taong 2013, at hanggang ngayon ay umaalab pa din ang kanilang pag-ibig para sa isa’t-isa na makikita sa mga litrato na pinost ni Mylene Dizon sa kaniyang social media account sa Instagram. Ang mga litrato ay hango mula nang sila ay magbonding at nagbakasyon sa Boracay para sa pasko.

Source: Instagram

Sa mga litratong ito makikita na ang dalawa ay physically fit, kung saan walang hirap na binuhat ni Jason Webb ang nobyang si Mylene Dizon sa tiyan gamit ang kaniyang paa, habang magkahawak naman ang kanilang mga kamay hindi lamang para magpakilig ngunit para din mapanatili ang kanilang balanse.

Source: Instagram

Ang post ng litratong ito ay mayroong caption na “missmylenedizon: Support mo ako forever @jason_webb_phil? 😘” na nakatanggap naman ng magagandang comments mula sa mga netizens.

Source: Instagram

Bukod sa mga comments ng mga netizens na nagfofollow kay Mylene Dizon, ilan din sa kanilang mga kaibigan sa totoong buhay ang nagcomment at di naiwasang makita kung gaano “kamillennial” ang magnobyo. Ilan sa mga comments ay ang mga sumusunod:

“itsmilesagain: Millennial na millennial ah 😂
“jbr.launion: Wow millennial”
“jadevlorayes: Naks! How sandy Jason’s feet on your tummy. 😆

Sa isa pang post ni Mylene Dizon sa Instagram, pinakita niya na hindi lamang sila ni Jason Webb ang magkasama para sa pasko, sapagkat kasama din nila ang kanilang mga anak. Si Mylene Dizon kasama ang kaniyang dalawang anak na lalaki mula sa dati niyang boyfriend na di Paolo Perilio, at si Jason Webb kasama ang dalawang anak na babae galing naman sa dating asawa na si Claudine Trillo.

Source: Instagram

Nagpapaabot ng pagbati para sa isang maligayang pasko at bakasyon, ang post ni Mylene Dizon kasama ang mga anak niya at si Jason Webb at ang kaniya ding mga anak, mayroong caption ang kanilang litratong mukhang family picture na “Bonding with you is gold  Happy Holidays to all!”

Mula sa simula ng kanilang relasyon noong 2013 hanggang ngayon, makikita na matatag pa din ang kanilang pagsasama, kahit na madaming trabaho ang pareho.

Si Mylene Dizon ay makikita sa mga soap opera ng ABS-CBN network habang di Jason Webb naman ang kasalukuyang assistant coach at team consultant ng kumakailan lamang naging kampeon na kupunan sa PBA na Magnolia Hotshots Pambansang Manok, kampeon ng katatapos lamang na PBA Governor’s Cup. Kahit gaano kabusy ang kanilang mga buhay, hindi pa din nila nakakalimutan na magbakasyon at magbigay ng oras para sa isa’t-isa at sa kanilang pamilya din.