Kapatid ni Jericho Rosales, inireklamo ng kanyang live-in partner kay Raffy Tulfo

“Kawawa naman si Lino nadamay pa..di tapos ang problema nya kay jade e..haha..”

Iyan ang isa sa mga pahayag ng maraming netizens tungkol sa kapatid ng Kapamilya actor sa teleseryeng “Halik” na si Jericho Rosales.

Source: KAMI

Lumapit ang Ka live-in partner ni Jeremiah Rosales, kapatid ni Jericho Rosales sa programa ni Raffy Tulfo na “Raffy Tulfo in Action”. Dito ay isinalaysay ni Jane Gonowon, asawa ni Jeremiah Rosales ang nangyari kung bakit siya nagreklamo sa tanggapan.

Ayon kay Jane, batugan daw at hindi nagtatrabaho ang kapatid ni Jericho
kaya ito ay lumapit upang humingi ng tulong sa pagbawi sa mga anak at mga gamit na naipundar ng babae.

Nais kasing kunin ni Jane ang kanyang mga anak ngunit nahihirapan siyang kunin ang mga ito.

Pangunahing dahilan kung bakit dinulog na niya ito kay Raffy Tulfo ay ang pagiging tamad nito at ayaw magtrabaho. Pinipilit na daw kasi talaga ni Jane na magtrabaho si Jeremiah ngunit wala paring aksyon ito.

“Pag ako lang, hindi ko kaya.” wika ni Jane.

Dagdag pa niya, siya ay napuno na dahil nung minsan ay nag-inuman ang ina ni Jericho at si Jeremiah. Matapos nito ay sinugod nila ang mag-asawa. Kaya lalong lumapit si Jane kay Tulfo dahil sa pinagtutulungan na ito ng mag-ina.

Ang gusto lamang talaga ni Jane ay makuha ang 8 na taong gulang na anak at maibalik ang mga gamit na kanyang binili. Kung maibibigay ang mga ito, ay magiging payapa na ang lahat.

Samantala, hindi naman isinali sa isyu ang aktor na si Jericho Rosales dahil ito ay nagbibigay ng tulong sa kanila at tinawag pa ngang ‘galante’ ang aktor. Kaya walang sabit sa problema si Echo.

Sa kabilang banda, hindi naman mapigilan ang mga netizens na mag react tungkol dito. Narito ang mga iba’t ibang reaksyon kay Echo ng publiko sa naturang isyu.

“Arti artistahan na to dati kaso di sumikat pa extra extra dati.”

“kawawa naman si jerecho rosales hindi nia deserve ang ganyn pamilya subra na…”

“Batugan, namihasa sa puro bigay ng kapatid. Kalalaking tao patabaing baboy. Pinahiya nyo lang si Jericho rosales, nanay na lasenggera at may kapatid na batugan hahaha.”