Ang pasko nga naman ay panahon ng pagbibigayan.Naging trending ang Taho vendor na ito mula sa Cavite dahil napagpasyahan na bigyan ng munting regalo mula sa puso ang kanyang suking mamimili ng libreng taho kahit na masama ang panahon dahil sa malakas na ulan ay patuloy pa rin siyang namigay ng taho.

Mula sa nag post nito sa Facebook
“Nagbabayad po ako pero di nya kinukuha..”
“Di niya talaga kinuha kasi pamasko raw niya”
“Si kuyang magtataho akala ko naglalako kahit na umuulan.Namigay lang pala ng taho para pamasko sa mga suki nya… Talagang nagpakahirap sya kahit na umuulan para lang mabigyan ng pamaskong taho ang mga tao. Merry Christmas kuya.. GOD BLESS YOU. #SIMPLENGTAOPEROMAYPUSO

Bumuhos ang reaksyon ng mga Netizen kay manong Taho vendor
@Tweetariel “It makes one pause and reflect when someone who can least afford it is the most generous. #reflections #Christmas #Christmas2018”
@ninz0517 “I pray that he would be showered with blessings as much as the rain drops that fell on him while on the streets to deliver the taho ?”
@FateDestiny8 “This is so heartwarming & heartbreaking at the same time? I really hope & pray to this kind of people to have what they really deserved??”
@Metamor61863306 “This shows that indeed there is someone who possess a big heart!? Sharing and giving are not measured with what was given!”

Ang mainit at matamis na inumin na ito ay gawa sa pinakuluang sariwang tofu na hinaluan ng sago at matamis na arnibal. Ang taho ay naging kabilang na sa ating pagkain ng agahan,kapag narinig na natin ang malakas na sigaw ng magtataho ay dali dali tayong tumatakbo sa labas dala ang baso kung saan nilalagay ang ating paboritong inumin na bumubuo sa ating umaga.