Ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan. Ito ang panahon na lahat ay bukas ang palad upang mag-abot ng tulong sa bawat isa. Sa araw ng kapanganakan ni Hesus, ay ang araw din ng pagbibigayan, pagkakaisa at pagmamahalan. Kaya naman, kapag araw ng Pasko ay magkabila ang mga blessings na dumarating. Bukod sa aguinaldo, 13th month pay, regalo o mga pagkain, ang makitang masayang nagbibigayan ang bawat isa ay siyang diwa ng Pasko.
Lalo na dito sa Pilipinas, isa nga naman ang Pilipinas sa mga bansa sa mundo na may napakahaba ng pagdiriwang ng Pasko. Setyembre pa lamang hanggang Enero ay talagang tuluy-tuloy nang nararamdaman ang diwa ng kapaskuhan. Patunay lamang na napakahalaga talaga ito sa atin.
Isang pamasko ang handog ng isang jeepney driver matapos magbigay ng kalahating libreng pamasahe sa jeep. Imbes na 9 pesos na minimum fare, ay 5 pesos na lang ito bilang pamasko sa lahat ng sumasakay.
Nakuhanan ito ng isa sa mga netizens:
“Hi Kay Kuya driver kang Daraga-Legazpi na Jip na may Plate No. EVC 143 na May paChristmas sa mga Pasahero nya. 5PESOS lang ang pamasahe.”
Samantala, umani ito ng samu’t saring papuri mula sa mga netizens.
MI RA: “Dpat nga sobrahan ng konti ang ibayad,pero eto sa knya na galing ang pgbigay ng discount.”
Alexander Anthony M. Gaerlan: “mabuhay ka mamang driver… sa katiting na kita mo.. ibinibigay mo pa sa mga costumer mo… God bless you mamang driver..”
Jeoff Madarang: “Sometimes, or more often than not, it’s the people who have less who know the meaning of generosity.”
Anig Opmilo Gonzales Jade: “Wow..#kmjs…… Godbless u more and more Kuya and be safe lgi sa pgmmmneho Mo.” Remy Lin: “May mga ganyan pa palang driver nowadays! shout out to you kuya driver.. merry christmas.”
Joshua Matubang Baranda: “Saludo ko sayo sir.” Dion Cy Yang: “More Blessings kuya driver.” Ces Bermudez: “Kung sino pa ang hikahos sa buhay sila pa ang may mapagbigay na puso. God bless you sir!” Vengie Vidal Bacoro: “Kung ako jan bente pa ibayad ko.dapat tau mag bigay sa mga driver. Di biro trabaho nila.”
Kaya naman, ito ang tunay na diwa ng Pasko. Hindi ito tungkol sa laki ng ibinibigay kundi ang taos pusong pagbibigay para mapasaya ang iba.