Karla Estrada at kanyang buhay bilang isang ina sa likod ng Camera. Video habang naglilinis ng bahay, humakot ng mga reaksyon!

Ang mundo ng showbiz ay isang magulo at masalimuot na mundo. Kakailanganin mong pagsabay-sabayin ang lahat, mula sa mga pictorial, tapings, shootings at maging mga mall shows.

Hindi lamang talento ang ibinibida ng mga artista kundi maging kanilang lakas, at galing sa pagbabalanse ng kanilang oras. Ito ang isa sa mga mahalagang aspeto ng pagiging artista, kung paanong pagsasabay-sabayin ang buhay sa loob at labas ng kamera.

Diyan na papasok ang oras para sa pamilya, anak, asawa, kasintahan maging mga kaibigan o kung tawagin ay social life. Hindi dapat puro trabaho, ika nga nila. Break break din pag may time.

Kaya naman, buti nalang at nagka time si Momshie Karla Estrada na mag break saglit at magfocus muna sa kanyang mommy duties. Ibinahagi ni Momshie Karla kung paano at ano nga ba ang mga mommy duties na ito. Talaga namang makikitang hands on talaga si Karla pagdating sa kanyang pagiging ina kina Daniel.

Ngayong naka break si Karla sa showbiz ay pinagbreak na din muna niya ang kanyang mga kasama sa bahay, kaya siya halos lahat ang nagtatrabaho sa bahay, mula sa paglilinis maging sa paglalaba ng mga damit.


Makikita sa kanyang isang post, “epekto ng pagkatapos ng Christmas party sa bahay mo, ikaw din mag lilinis!”

Ayon pa kay Momshie Karla, “Alam n’yo na pag nanay ka na, automatic kaya mong pag sabay sabayin lahat yan! Teka… makapag laba nga ng mga white t-shirts ni Daniel! At makapag pamalantsa nga ng de uling! #maypagkaOAdin.”

 

View this post on Instagram

 

Luto luto lang pang noche buena mga momsh!🌲🥳🌲 @leekumkeeglobal

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on


Marami talaga ang bilib kay Karla lalo na ang mga netizens. Nakakabilib nga naman talaga kung paanong pinagsasabay sabay ni Karla nang wala man siyang napapabayaan na kahit ano.

Narito ang ilan sa mga comments ng mga netizens kay Momshie Karla:

“yan si tita karla!!! super mama!!!”

“you’re indeed a GREAT MOM. God bless you.”

“Merry christmas …kaht pano napasaya mo ang lahat”

“You have a beautiful home, @karlaestrada1121! I love your front doors.”

“monshie awat na nanalo kna palakpakan”

Sa kanyang pitong taon na relasyon, ay nawala na ito ngayon at hihintayan nalang daw niya talaga ang nakalaan na tao para sa kanya.

Sa ngayon, masaya si Karla sa kanyang career bilang Host sa Magandang Buhay kasama sina Momshie Melai at Momshie Jolina.