Halik actor ng Kapamilya network, Jericho Rosales hindi pa raw handang magkaanak

Nakapanayam sa isang interview si Jericho Rosales ng PEP at sinabing, “I’m not ready to be a dad. Not yet.”

Source: Instagram

Apat na taon nang kasal si Jericho Rosales sa napaka gandang modelong si Kim Jones at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakaanak.
Una nang may anak si Jericho Rosales bago pa man siya ikasal kay Kim Jones.

Source: Instagram

Siya ay nagbigay ng kadahilanan noong nakapanayam siya sa isang interview kung bakit ayaw niya munang magkaanak. “Wala pa, e, wala pang time, wala pang masyadong time for family and friends.” kwento niya.
“When we have time, we just spend it together.

Source: Instagram

“Parang feeling talaga namin as a married couple, andami pa naming kailangang pag-aralan sa isa’t isa and enjoy-in yung time namin sa isa’t isa.” dagdag pa ni Echo.

Source: Instagram

Natanong din ng isa sa mga interviewer kung hindi ba sila naiinggit sa mga kaibigan nilang may anak na din, at ito ang naging sagot ni Jericho: “It’s difficult, very difficult. Nakikita namin yung mga kaibigan namin na may mga anak sila and full time.”

Source: Instagram

Sa kabilang banda mas iniisip pa rin ng mag-asawa ang magiging kalagayan ng baby kung sakali man na sila ay magkakaanak. Iniisip nila ang mga posibleng mangyayari katulad na lamang na baka mapabayaan ito dahil hindi nila mabibigyan ng sapat na oras. Kung kaya’t hindi raw dapat minamadali ang ganitong bagay.

Source: Instagram

Para sakanila mas magandang nakikitang nasusubaybayan na lumaki ang magiging anak.
“Hindi naman kami ang mahihirapan kapag ano, yung baby naman.” pagpapaliwanag niya.

Source: Instagram

“Di ba pag walang time, yung baby yung kawawa.” saad pa niya.
“Ayaw na ayaw namin yung putting pressure on the marriage… hindi naman kami nagmamadali.”

Source: Instagram

Kaya naman sa mga puntong ito mas pinaglalaanan muna ni Jericho ng oras ang kanyang career lalo pa ngayon na mayroon siyang kaabang-abang ng karakter gabi-gabi sa Primetime bida bilang si Lino. Maliban dito, ineenjoy din nilang mag-asawa ang mga natatanggap na pagpapala mula sa ibat’ibang aspeto. Kaya naman saka na muna ang pagkakaroon ng anak kapag stable na talaga sila at masisigurong matututukan ng maayos.