Music Video ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, blockbuster sa dami ng views online

Bilang isang contestant na nakoronahan ng Miss Universe, mayroon silang mga responsibilidad para magbigay pabalik sa kanilang mga bansa pati na din sa buong mundo. Maaaring gawin nila ito sa iba’t-ibang paraan para sa iba’t-ibang mga sekto ng mga komunidad.

Ayon mismo sa objecives ng Miss Universe, “A contestant should understand the values of The Miss Universe Organization and the responsibilities of the title.

She should be able to express what her personal and professional goals would be during her reign.

Consider the below when competing at the state and/or national level.”

Ngunit ibahin nyo ang ating kasalukuyang Miss Universe na si Catriona Gray.

Bago pa man siya mapasama sa Miss Universe, tumutulong na siya sa mga kababayan niya sa pamamagitan ng pagsama sa grupo na Young Focus Philippines.

Ang Young Focus Philippines ay isang non-government organization (NGO) na tumutulong sa mga kabataan sa lugar ng Smokey Mountain sa Maynila, isang malaking tapunan ng basura na tinitirhan pa din hanggang ngayon ng ilan sa ating mga kababayan.

Ang misyon ng grupong Young Focus Philippines ay ang matiyak na mayroong tamang pag-aaral at edukasyon na natatamo ang mga kabataang nasa edad na angkop sa daycare, hanggang sa kolehiyo na kanila ding tinutulungan na makakuha ng trabaho para sa kanilang kinabukasan.

Ang Young Focus ay hindi orihinal na itinatag sa Pilipinas, sapagkat ito ay itinatag at nabuo noong 1992 sa Netherlands na sinimulan ng magnobyo na sila Paul at Ann van Wijgerden. Ang Young Focus Philippines naman ay nakatutok lamang sa pag-aaruga ng mga kabataan sa lugar ng Smokey Mountain.

Bilang isang volunteer noong siya ang Binibining Pilipinas, si Catriona Gray ay mahilig dumalaw sa mga kabataan upang bisitahin at kamustahin sila. Nang unang dalaw ni Catriona Gray, siya ay nagsagawa ng isang feeding program at mula noon ay binabalik-balikan na niya ang NGO na ito para sa mga kabataan. Minsan din ay nakikisama siya sa mga klase ng mga bata.

“Paborito niya ‘yung storytime at lagi siyang nakikiupo sa mga bata at kinakausap niya isa-isa,” sabi ni teacher Jeanda, isang guro na nagtatrabaho para sa Young Focus Philippines. “Masaya siya kasama. Nakikihalubilo siya sa mga bata,” dagdag pa ng butihing guro. Bukod pa dito, nakwento din ni Catriona Gray na minsan na siyang tumulong sa renobasyon ng isang pre-school para madagdagan ang mga bilang ng mga bata na mapag-aral nito sa kanilang komunidad. Ang isang short film na mayroong pangalang “We’re In This Together” ay pinapakita ang Miss Universe bago pa ito manalo ng korona na tumutulong sa mga kabataan sa Smokey Mountain. Makikita ang video sa link na ito: