Malaking pagbabago kay Ellen Adarna mula sa pagiging model at artista na ngayon ay isang full time mom na

Ang celebrity couple na si Ellen Adarna at John Lloyd Cruz ay pinipilit mamuhay ng tahimik malayo sa showbiz. Parehas nilang pinalitan ang privacy ng kanilang social media accounts simula ng uminit ang mga kontrobersya sa kanilang dalawa. Lalong lalo na biglang nag indefinite leave ang kapamilya hearthrob sa showbiz kaya naman isa siguro ito sa mga rason kung bakit interesadong interesado ang mga Netizens sa kanilang dalawa.

Source: Instagram

Pinakita ng celebrity nail artist ang kanyang picture katabi si Ellen Adarna habang buhat buhat si baby Elias Modesto. Ayon sa kanyang post “Thank you for having us for lunch! See you in 4 days ulit #happiness #mylove #ellenadarna.”


Hindi maiwasan ng mga Netizens na maikumpara ang itsura ni Ellen Adarna noong aktibo pa sya sa showbiz at ngayon isa na syang full time mom.

Si Ellen Adarna ay panganay na anak ng isang mayang pamilya sa Cebu na nagmamay-ari ng maraming condo units, hotels, resorts at iba pa. Nagsimula siya bilang isang model sa internet na di kalaunay nakabilang siya sa “Star Magic artist” noong 2013. Matapos nun ay lumabas pa siya sa iba’t ibang magazine cover.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on


Si John Lloyd Cruz naman ay unang lumabas sa pinakamatagal na afternoon television show sa ABS CBN na “Tabing Ilog” kung saan katambal niya si Kaye Abad. Matapos nito ay naging superstar siya at naging successful sa mga shows and fils na nagbigay sa kanya ng maraming recognition at awards dahil dito binigyan siya ng title na isa sa mga best actor of all time.