Lotlot De Leon nagpakasal na sa kanyang businessman fiance na si Fadi El Soury

Tunay nga namang napakasaya na matagpuan mo na ang future husband o future wife mo. Hindi mo nga lang alam kung kailan o saan. Maaaring ready na ang dream wedding mo pero hindi mo pa din alam kung kailan at sino ang tutupad nito.

Source: Instagram

Iba-iba tayo ng theme o motif na gusto, ang iba ay beach wedding and iba naman ay intimate wedding. Kaya naman, isa ito sa mga bahagi ng buhay na pinakahihintay ng lahat, ang ikasal sa taong minahal mo at handa mo pang mahalin habang buhay.

Source: Instagram

Kaya naman, kahit anong panahon ay pilit kang maghihintay para makilala mo ang tamang tao na para sa iyo. Mayroon mang mga dumaang ibang tao o karanasan, ang mahalaga ay makakatagpo mo pa rin ang taong nakalaan para sayo sa kabila ng lahat ng ito.

Isa ang aktres na si Lotlot de leon na makakapagpatunay nito. Ikinasal na si Lotlot sa kanyang long time Lebanese fiance na si Fadi El Soury sa El Jardin de Zaida sa San Juan, Batangas noong December 17.

Source: Instagram

Private garden ginanap ang wedding ceremony kung kaya’t napaka intimate ng kasal at siyempre hindi ito makukumpleto kung wala ang mga taong malapit sa kanya, walang iba kundi ang kanyang pamilya.

Source: Instagram

Suportado ang kanyang ama na isa ding aktor na si Christopher de loen sa kasal. Nakita siyang dumalo sa kasal kasama ang kanyang asawa na si Sandy Andulong kasama ang kanilang mga anak.

é

Maging ang mga anak ni Lotlot kay Ramon Christopher o kilala bilang Monching ay nandun din at masayang masaya para sa kanilang ina.

Maging ang kanyang mga kapatid na si Matet at Ian de leon ay dumalo din at masaya para sa kanilang kapatid. Suportadong suportado ng lahat at makikita sa mga wedding pictures na nasa social media ay bakas ang saya at tuwa ng lahat para kina Lotlot.

Samantala, umasa naman si Lotlot na dumating ang kaniyang ina na si Superstar Nora Aunor, ngunit wala pang kumpirmasyon sa mga pictures na nakadalo siya sa kasal ng kaniyang anak.

 

View this post on Instagram

 

#FADIgetsaLOToflove #FADItiestheLOT

A post shared by Shyr Valdez (@shyrvaldez) on


Nasa anim na taon na ding nagsasama sina Lotlot at Fadi hanggang sa nag propose si Fadi kay Lotlot noong July 15, 2018 sa Tagaytay.