Di inaasahan ni Iza Calzado ang regalong ito mula sa kanyang inang yumao na kaya naman hindi nya napigilan mapahagulgol nang makita ito

Ikinasal noong December 19, ang orihinal na sanggre ng Encantadia na si Iza Calzado sa long-time boyfriend niyang si Ben Wintle sa Club Paradise sa Coron, Palawan. Mag isang naglakad si Iza sa aisle dahil yumao na ang mga magulang niya dahil sa kans3r. Ang kanyang ina noong 19 taong gulang siya, at ang kanyang ama noong 29 taong gulang siya. Sinabing ang bouquet ni Iza sa kasal ay may kasamang litrato ng kanyang mga magulang.

Source: Instagram

Sa makatuwid, sa isang video na pinost ni Vicki Belo sa kanyang instagram account, ang matalik na kaibigan ni Iza na si Sunshine Dizon ay may inilantad sa kanyang regalo na galing sa yumao niyang ina: isang diamond bracelet. Tila ang bracelet ay matagal ng itinatago ng ina ni Iza hanggang sa dumating ang araw na ikasal ito.


“I know it is something that you will really treasure forever. I love you very much” ang sabi ni Sunshine. Kung papanoorin mo ang video ay makikita mo ang pag iyak ni Iza hanggang sa yakapin siya ni Sunshine at ibigay sakanya ang regalo.

Source: Instagram

Sobra ang pananabik ni Iza sa kanyang ina simula noong yumao ito 17 years ago. Alam niya kasing hindi niya na ito mayayakap, makakakwentuhan at makakasama. Pero sa oras na ibinigay ni Sunshine yung diamond bracelet, ay tila ba parang nabuhay muli ang kanyang ina.

Wala man ang presensya ng kanyang ina sa kasal, mayroon naman itong nagawa para mapasaya si Iza at para maramdaman niyang nandiyan lang ang kanyang siya sa tabi at mahal na mahal niya si Iza.

Source: Instagram

“Nothing can ever beat a mom’s love for her children.”