Miss Universe 2018 Catriona Gray at Pangulong Duterte, nagkita na sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ang pagkapanalo

Tagumpay si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang pagbandera sa Pilipinas sa nakaraang Miss Universe pageant. Naiuwi na nga ni Catriona ang ika apat na korona na talaga namang inasam ng halos siyamnapu’t apat na kandidata sa buong mundo. Pero, iisa lamang ang nagkamit nito, ang ating pambato ang nakasungkit at talagang abot na abot na niya ang tagumpay.

Source: PTV Facebook

Bakas sa kanyang mukha ang kagalakan sa kanyang pagkapanalo. Randam mo rin naman ang suporta at ang pagiging proud ng mga Pinoy kay Catriona. Hindi nga naman iniwan ng mga Pinoy si Catriona, mula sa dasal, suporta at pagtitiwala ay nasungkit na rin ang korona.

Source: PTV Facebook

Ayon nga kay Catriona, inaalay niya ang awiting “Raise the flag” kung makakagawa siya ng kanta dahil narito siya hindi para sa isa kundi para sa 104 milyong Pilipino. Sagot niya ito sa paunang interview niya kay Steve Harvey nang tawagin siya sa Top 20.

Source: PTV Facebook
Source: PTV Facebook

Dinala nga naman ni Catriona ang buong Pilipinas sa Thailand kaya naman ngayong nakabalik na siya sa bansa ay nararapat lamang na dumalo siya sa courtesy call sa pinaka ama ng ating bansa, Pangulang Rodrigo “Digong” Duterte.

Matapos nga ang lahat at nakoronahan na si Catriona, nagkita na sila ng ating Pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City. Talagang proud na proud din ang ating Pangulo sa kanya lalo na’t panibagong pagkakakilanlan na naman ang nabigay niya sa Pilipinas kaya pinaglaanan talaga ito ng oras ng pangulo.

Ibinahagi pa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang mga pictures nang sila ay magkita.

Makikita pa dito ang ibinigay na bouquet ng orchids ni Pangulong Duterte kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Source: PTV Facebook

Samantala, panandalian lamang ang pagbisita ng ating reigning queen sa Pilipinas. Pumunta lamang siya dito sakay ng isang private jet kasama sina dating gobernor ng Ilocos Sur Chavit Singson at ang anak nito, Richelle Singson na hurado ng nasabing pageant.

Inaasahan din na bumalik agad si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa New York na kung saan siya mamamalagi habang siya ay Miss Universe 2018.

Ang opisyal na homecoming at maging mga TV guestings ni Catriona ay gagawan muna ng schedule pero aasahan ito ng mga Pinoy na taas noo sa dugo at gandang Pilipina.