Kilalanin ang Batang sikretong inisponsoran ni George Bush upang makatapos ng Pag-aaral. Kanilang palitan ng sulat ay talagang nakakataba ng puso

Congressman, ambassador, 11th Director of Central Intelligence at marami pang iba. Siya ay isang Lieutenant pa sa kanyang military service. Masasabi kong pinagdaanan niya na halos lahat. Iyan si George H.W Bush.

Siya ay ang 43rd Vice President at 41st President ng United States. Pero noong Nobyembre 30 2018 sa edad na 94 ay inihatid na siya sa kanyang huling hantungan. Ang balita ng pagkawala niya ay nagpaiyak ng milyon-milyong puso. Marami pa siguro ang hindi pa nakakarecover sa pagkawala niya. Mayroon namang mga naghayag kung gaano siya kabuti bilang isang tao at kaibigan.

Photo Source: Kami
Source: Facebook

Kamakailan lang, isang non profit organization ang naghayag na ang late former president ng US ay patagong nag sponsor ng isang batang Pilipino sa loob ng isang dekada.

Photo Source: Kami
Source: Facebook

Ayon sa Compassion International, isang organisasyon na tumutulong sa mga bata sa mahirap na komunidad sa pamamagitan ng mga lokal na simbahan, nag sponsor si Bush ng isang batang nagngangalang Timothy.

Photo Source: Kami
Source: Facebook

Nagsimula daw ang lahat nang dumalo sa isang Christmas Concert si Bush sa Washington noong 2001. “During the intermission, they would tell the audience about us, and ask them if they would like to sponsor a child” ayon kay Wess Stafford na dating presidente ng Compassion International.

Photo Source: Kami
Source: Facebook

At si Bush na nakaupo sa likod na napapalibutan ng mga security ay nagtaas ng kamay at nanghingi ng pamphlet. Sinabi ng kanyang top security na hindi pwedeng malaman ni Timothy na inisponsoran siya ni Bush kaya nagpakilalang ‘George Walker’ si Bush sa mga sulat na ibinibigay niya kay Timothy.

“His letters were the most sweet, spirited letters I have read from any sponsor” sabi pa ni Stafford.

Photo Source: Kami
Source: Facebook

Ang pagbibigay daw ng regalo ay hindi pwede pero hindi napigilan si Bush lalo na noong nalaman niyang si Timothy ay mahilig sa arts.

Photo Source: Kami
Source: Facebook

Sa loob ng sampung taon na pag sponsor ni Bush kay Timothy, nalaman lang ng bata kung sinong nagsponsor sakanya noong naggraduate na siya sa program sa edad na 17. Ayon kay Stafford, hindi makapaniwala si Timothy na ang nagsponsor sakanya ay minsang naging presidente ng US. “We may not know where Timothy is, but we know he is now living a successful life” ang huli niyang mga salita.

Photo Source: Kami
Source: Facebook

Hindi maitatanggi ang kabutihang ipinakita ni Bush. Napalapit na rin siya sa puso ng mga Pilipino. Kaya sa lahat ng kagaya ni Mr. Bush diyan, saludo kami sainyo dahil mayroon kayong “Timothy” na natutulungan at napapagaan ang buhay. Masasabi ko lang ay sulit na sulit ang siyam na pu’t apat na taon ni Bush sa mundo.