Ipinakita Di-umano ni Showtime Host Karylle ang Kanyang ‘Wild Dance’ sa pre-wedding celebration ni Iza Calzado

Tuwing ikinakasal ang dalawang nag-iibigan, hindi maiiwasang magkaroon ng mga selebrasyon tulad ng pre-wedding o kaya’y bachelor/bachelorette party. Hindi dito mawawala ang pakain, mga laro, mga musika at higit sa lahat ang sayawan at inuman. Tulad na lamang sa isang pre-wedding party ni Iza Calzado, nagpakitang gilas si Karylle Yuzon sa pamamagitan ng wild dance.

Source: Instagram

Bago ikasal si Iza Calzado kay Ben Wintle, nagpasimuno muna sila ng pre-wedding party na may temang barrio fiesta. Nagpaunlak ng isang malaking handaang pang-hapunan para sa mga bisita at malalapit nilang kaibigan. Nagkaroon naman ng pagtitipon-tipon ang tinaguriang kauna-unahang sang’gre ng Encantadia na sina Sunshine Dizon, Karylle Yuzon, Diana Zubiri at Iza Calzado.

Source: Instagram

Kasama sa nasabing pre-wedding party ang di-makakalimutang mga laro. Kasama sa lumahok dito ay ang Showtime host na si Karylle Yuzon. Kitang-kita at damang-dama ang hataw niya pagdating sa dance floor. Mahihinuha sa video na kasalukuyang naka-post sa YouTube ang mistulang pagiging masaya at magalak ni Karylle habang sumasayaw paikot-ikot o kaya’y may kasama at higit sa lahat ang kanyang split sa buhangin. Bahagi ng sayaw na iyon ang laro na kung saan nakikipagtagisan siya sa isang foreigner.

Source: Instagram

Makikita nga natin sa video na iyon ang personalidad ni Karylle na pagiging masiyahan at maganda. Dahil dito, umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens si Mrs. Yuzon. Ang iba’y pumupuri sa kanyang pagnamnam ng bawat segundo ng kanyang buhay at sinasabing walang masama sa pagiging masaya. Ang iba naman ay namangha nang malaman nila na bukod sa pagkanta ay nag-ballerina lessons umano si Karylle kaya’y nakapag-split ito.

Bagama’t ang ilan ay dismayado sa ipinkita ng aktres at host, natabunan pa rin ito ng mga papuri at positibong komento ng mga netizens sa pagiging ‘jolly’ at ‘enjoying the moment’.

Natapos ang pre-wedding party nila Iza Calzado at Ben Wintle na may namumutawing saya ay galak kasama na ang mga alaalang babaunin nilang magkakaibigan pagtanda. Samantala, naganap naman ang kasalang Calzado-Wintle sa Club Paradise, Palawan kaninang 3:30 ng hapon. Ang tema ng nasabing pag-iisang dibdib ay mala-paraiso na bagay sa isang dyosa at sang’greng si Iza Calzado.