Hindi sapatos o laruan ang dahilan ng batang ito sa pangangaroling kundi para maipalibing ang kanyang Nanay

“Sa Paskong darating Santa Claus nyo’y ako rin ‘Pagkat kayong lahat ay naging masunurin Dadalhan ko kayo ng mansanas at ubas. May kendi at tsokolate, peras, castañas na marami”

Hindi nga naman makukumpleto ang Pasko kung wala ang mga munting awiting ito ng mga batang nangangaroling. Pagsalubong pa lamang ng Disyembre ay talaga namang sasalubong din sa atin ang mga awitin ng mga bata. Kaya, mapapabunot ka nalang sa iyong bulsa ng maiaabot sa kanila upang masiyahan sila at makita ang kanilang mga inosenteng ngiti.

Photo Source: Pexels (for illustaration purposes only)

Pero, sa likod ng mga batang masaya at masisiglang kumakanta ay mayroong kwento sa likod nito. Halos sa kanila ay naghahangad ng iba’t ibang bagay tulad ng bagong laruan, sapatos o damit kaya kayod marino sila sa pag-awit upang mabili ito.

Iba ang kwento ni Mary Ann. Kung dati ay ipinapatago niya sa ina ang mga perang nalilikom upang maipon at makabili ng rubber shoes na halagang 800 pesos.

Kaya naman hindi maipinta ang Pasko ni Mary Ann sa pagkawala ng kanyang ina. Isang malaking dagok nga naman ito lalo na ngayon ay nalalapit na ang kapaskuhan.

Photo Source: Pixabay (for illustaration purposes only)

Kaya, nag iba na ang dahilan ni Mary Ann sa pangangaroling. Hindi sapatos o laruan ang hangad ni Mary Ann. Nangangaroling siya ngayon upang may maipanglibing sa kanyang ina. Kasalukuyan pa ding nakalagak ang ina at tila kapos para mabigyan ng disenteng libing kung kaya’t ang pangangaroling ang paraan ni Mary Ann.

“Yung naipon ko, ibibigay ko na lang kay Mama,” sabi ni Mary Ann.

Maaari ngang mawala sa isang iglap ang mga inipon ni Mary Ann para sa ina. Pero, mas mabilis at nakakalungkot ang pagkawala nito. Nawalan siya ng ilaw sa araw ng Pasko, tila isang batang naglalakad sa lugar na nawawalan ng liwanag.

Sana’y magkaroon ng liwanag si Mary Ann na kanyang kailangan ngayon. Gabay, pagmamahal at tulong ang kailangang maipaabot sa kaniya kahit na nasa mahirap na dagok siya ng kanyang buhay.