Pinoy na nagtrain kay Venus Raj ay trainer din ni Miss Vietnam sa Miss Universe Pageant

Sa naiuwing korona ni Miss Universe Catriona Gray, panibagong karangalan ito sa ating mga Pilipino. Nabigyan na naman ng dangal at puri ang Perlas Ng Silanganan. Sa bawat hiyaw, suporta at palakpak ng mga Pinoy, isa itong patunay na talaga namang suportadong suportado ang buong Piilipinas sa kanya. Kaya naman, ngayon sa kanyang pagkapanalo ay talagang proud na proud ang bawat Pinoy sa puso at dangal na ibinigay ni Catriona sa ating bansa.


Makikita naman na mula sa pre pageant hanggang sa Coronation Night ay ibinuhos ni Catriona ang lahat para lamang masungkit ang koronang inaasam ng lahat.

Pero, higit pa riyan ang pusong Proud Pinoy. Alam niyo bang tatak Pinoy at talagang fully blooded na Pilipino ang mga team na nagpa panalo din kay Miss Vietnam.


Sa loob ng napakahabang taon, ang pagpasok sa Top 5 ni Miss Vietnam ang pinakamataas na nakuha ng bansang ito sa Miss Universe. Kaya naman masayang masaya din ang mga taga Vietnam sa kaniyang pagkapanalo.

Makikita din kay Miss Vietnam ang fierce look lalo na sa kanyang pag rampa. Randam na randam din sa kanya ang kagustuhang makuha ang korona.

Photo Source: Kami

Maging sa pagsagot sa Q and A at maging kanyang opening statement na binabanggit ang kanyang adbokasiya ay hindi nagpaiwan si Miss Vietnam H’Hen Nie.

Pero, kahit pa hindi siya pasok sa Top 3 ay marami pa rin ang nagsasabi na dapat pasok siya dito pero marami naman ang taas noo sa kanya lalo na ang istorya ng kanyang buhay.

Sa likod ng tagumpay na ito ay makikilala ang mga Pinoy na tumulong sa kanya tulad nina Anjo Santos na taga Bicol na naging trainor din ni Venus Raj na naging 4th runner up.

“I was taken ’cause I trained Vietnamese beauties since 2014 po. Then through the national director of Miss Universe Vietnam, my friend, they hired me to train her,” banggit naman ni Anjo

“So yung mga kaibigan ko din sa Ho Chi Minh City na mga close ko ay nag-support to help kaya naging team po kami,” dagdag pa ni Anjo.

Kaya naman, malaking malaki ang pasasalamat talaga ni Miss Vietnam sa mga tumulong sa kanya.

“From the bottom of my heart, thank you very much, My Teacher Anjo Santos,” sambit ni H’Hen Nie