Mga Ganap kay Miss Universe Catriona Gray matapos ang Pageant pati na rin ang kanyang susunod na destinasyon

Naiuwi na nga ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang ika apat na Miss Universe crown. Hinintay din naman talaga ng mga Pinoy fans ang muling pagbabalik ng korona matapos masungkit ito sa matagal na paghihintay noong 2015 kay Miss Universe Pia Wurtzback.

Source: Instagaram

Kitang-kita sa mga Pinoy ang kagustuhang makuha ang korona, at talaga namang abang na abang ang lahat sa bawat bahagi ng kumpetisyon.


Preliminary pageant pa lamang ay angat na angat na talaga si Catriona. Sa mga paunang interviews kasama ang mga judge, maging hanggang sa Coronation Night, ay nagtuloy tuloy ang pasok ng Pilipinas sa Top 20 hanggang sa maging tatlo na lamang sila.

Sa kaniyang mga matitinding sagot, salita at adbokasiya ay naibulsa na at naipataw na sa kanya ang pasya ng tagumpay. Siya na ang bagong Miss Universe 2018.


Nagulantang ang lahat at nabuhay, tila wala nga naman talagang hindi namangha. Naiuwi na ni Catriona ang korona pero mas inaabangan ngayon ang kaniyang pag-uwi lalo na ng mga netizens.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens bago siya dumating:

“Ghad! Can’t help but watching this many times. She’s really so so beautiful! Congrats, Queen.

“Have a safe flight our Ms. Universe”

“Wow Queen of the Philippines headed Home !! Have a safe flight gorgeous.”


Kaya naman, hindi mahulugang karayom ang pagdating ni Catriona kanina sakay ng private jet kasama si Chavit Singson at ang kanyang anak.

Dinumog ito ng mga fans lalo na ng press at ng media na talaga namang naguunahan makuha ang pahayag ni Catriona. Nakasuot ng puti si Cat, at paglabas pa lamang niya ay kumaway siya sa lahat ng mga Pilipinong tuwang tuwa sa kaniya.

Source: Instagram

Noong una ay napaka organisado pa at napaka ayos ng lahat. Hanggang sa lumapit na ang mga batang kanyang tinutulungan, at dinagsa na siya ng mga media personel. Kaya naman, dinala na siya sa interview area.

Source: Instagram

Sasaglit lamang siya sa Manila at may mga pribadong lakad din si Cat. Pero, mayroong naging motorcade sa kanya, at inaasikaso pa ang kanyang TV schedule.

Babalik din naman agad si Cat sa New York upang gampanan ang kanyang responsibilidad bilang Miss Universe.