Malapit nga naman talaga sa mga tao ang mga aso. Anumang breed, imported man o local, gaya ng shih tzu, bulldog, Labrador o maging Aspin ay talaga namang alagang-alaga sa atin.
Mula sa pagkain, gamit, maging mga ibang pangangailangan ay pinagkakagastusan pa para sa aso. Bahagi na ng pamilya ang mga cute na cute na puppies at dogs na alaga natin. Hindi makukumpleto ang pamilya kung wala na ang mga fur babies na ito.
Tila hindi na si bunso ang favorite sa pamilya, si Bantay, Candy, Lucky, o kahit anumang pangalan pa niyan ang bagong baby ng pamilya. Ganyan magmahal ng aso ang Pinoy.
Kaya naman, tampok sa kwento ngayon ang nagpatunay na talagang bestfriend ng mga aso ang mga tao. Si Tatay Boyet ay nakatira sa lansangan. Kasama ng kanyang kariton, ay dala dala din nya ang kanyang mga alagang aso.
Hindi alintana sa kanya na mahirap ang kaniyang buhay at walang tinitirhan na bahay para makatulong. Bagkus, mas nananaig sa kanya ang pagtulong sa kapwa, maging sa mga animal friends natin.
Hindi na lamang kaibigan ang mga ito sa kanya. Ang mga askal na kanyang kinukupkop ay hindi lamang kaibigan kundi bahagi na ng pamilya. Itinuring na niyang kadugo ang mga ito na hindi na talaga iba sa kanya ang mga ito.
Tunay nga namang isang huwaran si Tatay Boyet sa pagtulong. Hindi ang kahit anumang sitwasyon ang makahahadlang sa pagtulong, kundi ito pa ang magiging inspirasyon sa iba upang patuloy na tumulong.
Si Ran ang isang netizen na nakakita kay Tatay Boyet na talagang namangha sa kanya. Naantig ang puso ni Ran kay Tatay Boyet dahil sa kagandahang loob na meron ito.
Gumawa ng paraan si Ran upang matulungan si Tatay, sa pamamagitan ng social media. Ito ang naging paraan ni Ran na kanyang nakikita upang magabot ng tulong kay Tatay.
Mayroong naantig at nasiyahan sa post ni Ran. Epektibo ang kanyang pag post kaya naman natulungan nila si Tatay sa tulong ng Lazada.
Naabutan nila siya sa Aurora Boulevard, at agad agad namang nakita ni Tatay Boyet ang mga gamit na nakalaan sa kanyang mga alagang aso.
Kaya naman, napakasayang isipin na mula kay Tatay Boyet na tumulong sa mga aso, kay Ran na nakatulong kay Tatay ay patunay na buhay pa rin ang bayanihan at pagbibigayan lalo na ngayong panahon ng Pasko!