Sagot ni Miss Vietnam sa Q and A, mali daw ang pagkakatranslate ayon sa isang Netizen

Iyan nga naman ang nagiging pamantayan ngayon sa mga beauty pageants na talagang dinudumog ng mga napakagandang mga dilag at mga pageant fanatics. Complete package mula sa mga physical features, sa hubog ng katawan, confidence, galing sa pagrampa, at syempre ang galing sa pagsagot sa Question and answer. Kaya naman, isa ito sa mga pinakaaabangang bahagi ng mga pageants lalo na sa Miss Universe.

Sa nakaraang Miss Universe, makikitang napakahalaga ng communication skills sa kompetisyon. Sa pagsalak pa lamang sa Top 20 ay mayroon nang preliminary interview sa host na si Steve Harvey. Nadagdagan pa ngayon ng 15 seconds na opening statement. Pasok naman sa Top 10 ang mananaig dito na sasalang sa Swimsuit at Evening Gown Competition. At magiging Top 5 naman sila na sila ang sasalang sa Question and Answer, at Top 3 naman sa Final Word.

Sa Top 5 ay mayroong mga tanong na napakamakabuluhan sa kanilang mga bansa, isa sa mga itinanong ay si Miss Vietnam. Sa kanyang tanong, ay nabanggit ang kanyang opinyon tungkol sa #MeToo movement.

“The #MeToo movement has sparked a global conversation. In response, some have said that the world has become too politically correct. Do you think the #MeToo movement has gone too far?,” iyan ang kanyang tanong.

Gumamit ng interpreter si Miss Vietnam at ito ang naging pahayag ng translator base sa sinabi ng kandidata.

“I don’t think that it has gone too far. Protecting women and women’s rights is the right thing to do. Women need protection and rights,” sagot ni Miss Vietnam.

Pero ayon sa isang netizen na bihasa at isang native Vietnamese speaker, may mali sa translation na ito. Mayroong mga mahahalagang detalye at salita na nawala sa sagot ni Miss Vietnam.

Kabilang na sa mga salitang nawala ay
“well-being,” “health,” “$exu@l @bu$e,” and “freedom.” Tila napakahalaga nga naman ng mga salitang ito na maaaring mas gumanda ang sagot ni Miss Vietnam.

Ito ang translation na sinabi ng netizen, ” Protecting women’s well-being/health and protecting women from $exu@l @bu$e is the right that every women need. Everyone of us needs to be protected and we need freedom. Thank you.”

Sa kabila ng spekulasyon na ito, masaya parin si Miss Vietnam at ang kanyang bansa para sa kanya dahil ito ang kanilang pinakamataas na pwesto na kanilang nakuha.