Ang Wedding program nila Iza Calzado at Ben Wintle, punong puno ng bigating personalidad at artista

Hindi natin alam kung kailan natin makikita si “The One”. Maaaring childhood friend, highschool classmate, dating kapitbahay, o kapag matanda kang single tapos makakabungguan mo siya sa grocery store. Aminin girls lahat tayo excited bumitaw ng “I do” at boys aminin din masakit sa bulsa ang wedding ring pero ano ba naman ang pera para sa “The One” di ba?. Ngayon ay isang babae ang na solve na sa kakahintay na mabanggit ang “I do” at isa nanamang matipunong lalaki ang nasaktan sa bulsa para sa taong mahal niya. The Iza Calzado and Ben Wintle Wedding.


Pero bago yan, humigit kumulang sa 414, 325 na magkasintahan ang ikinakasal sa Pilipinas kada taon. At 1,135 naman kada araw. Sinabing ang kasal daw nina Iza at Ben ngayong December 19, 2018 ang huling kasal sa taong 2018. Ito na rin ang kanilang huling mga sandali na mag isa sa buhay, pagdating sa pagdedesisyon, pagshshopping, paglilibot at maging sa pagtulog. Dahil sa oras na binanggit ang mga salitang “You may now kiss the bride” ay ang simula na ng buhay nila kasama ang isa’t isa, kasama si “The One”.


Ginanap ang #izaben wedding sa Club Paradise sa Palawan, 3:30 ng hapon. Kabilang sa kanilang entourage ang mag asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Isa sa “Guide Parents” ay si Lucy Torres. Nandoon din sina Sunshine Dizon at Karylle Yuzon bilang bridesmaids at ang cute na cute na flower girl na si Scarlet Snow Belo.

 

View this post on Instagram

 

The dashing debonaire groom, the man behind @bookyapp meet my nephew Ben!

A post shared by Ana_Lontoc:Farmgirl@❤️ (@choo_farmhousestyleabodeph) on


Matagal naging nagkasintahan si Iza at Ben bago sila ikasal. Way back August 2015, sinabi ni Iza sa isang interview sa Kris TV na broken siya at maghahanap na siya. Ang gusto pa nga daw niya ay foreigner kasi wala pa siyang naka date na foreigner dati. At dulot ng tadhana, nilapitan siya ni Ben gamit ang facebook, nagkamabutihan, nagkapalitan ng numero at nagsimula na ang kanilang love story.

Mahirap talagang pilitin ang pag-ibig. Yung akala mo siya na, gusto mo siya na, hindi pa pala. Sabi nga sa Bible “do not awaken love”. Kaya antayin mo nalang na magising ito. At magigising rin ito sa tamang oras, sa tamang tao. Basta bigla nalang siyang dadating sa pinaka hindi mo inaasahan na oras. Malay mo yung katabi mo ngayon, o yung crew dun sa fast food na pinagkainan mo. Basta dadating din siya. At dadating din yung araw na magiging kang 1 sa 1,135.