Ang Engrandeng Kasal nila Iza Calzado at Ben Wintle sa Palawan

Hindi mo nga naman makakalimutan ang napakahalagang araw ng inyong pagmamahalan. Ang araw na magpapaalala sa inyong mga pangako na panghabang buhay. Ito din ang araw na inihayag mo sa harap ng publiko, sa harap ng mga tao at lalong lalo na sa altar ng Diyos ang inyong pag-iibigan.

Lahat naman ng mga kwento ng pag-ibig ay maaaring dito magtapos. Pero hindi ito ang katapusan, ito muna ang simula. Simula ng bagong kwento ng pagmamahalan. Simula ng panahon ng inyong pagsasama sa hirap at ginhawa at simula ng panghabang buhay na pagmamahalan. Walang iba kundi ang araw ng inyong kasal.


At ito na ang simula para kay Iza Calzado at Ben Wintle na isang businessman. Ikinasal sila sa Palawan noong Miyerkules sa pakikibahagi ng kanilang pamilya, kamag anak at mga malalapit na kaibigan.

Paniguradong napaka intimate at romantic ng kanilang wedding ceremony, pero mas romantic ang kwento sa likod ng kasal nilang dalawa.


‘Love at first sight’ iyan nga ang tatak ng kanilang pagiibigan matapos nilang magkita sa isang hindi planadong pangyayari. Host ng isang kasal si Iza at nakita ito ni Ben kaya naman tinanong niya ito sa kanilang mutual friend na si Izabelle Daza. Siyempre, hindi naman sinabi ni Iza pero attracted na rin pala si Iza sa kanya.

“Sabi niya, ‘Iza, Ben. Ben, Iza. Single, single, Ako talaga, ‘Oh my god, nakita yata ako ng lalaki, nakatingin ako, kaya siguro lumapit. Iyon pala, hindi. Before pa, he was asking about me na, kaya lumapit,” pahayag ni Iza.


Sinusubukan pa palang hanapin ni Ben ang facebook ni Iza noong araw na iyon. Dagdag pa ni Iza,

“He was acting na parang not so interested in me kunyari,Sabi ko sa kanya no’n, ‘Really? Why don’t I just give you my number now?’ Ayoko ng paligoy-ligoy pa! Ito na, e! Bakit mo pa papahirapan?”

 

View this post on Instagram

 

The amazing lensman @patdy11 does it again! Beautiful photos for an equally beautiful couple ❤️ #BecomingMrsWintle

A post shared by Metro Magazine (@metromagph) on


Kaya naman, matapos ang dalawang buwan ay naging sila na at matatandaang engaged na ang dalawa noong October 2017 at nagsasama nila sa loob ng anim na taon, pero ito ang memorable moment ng kanilang lovestory.

Napaka romantic ng wedding ceremony maging sa reception, kaya naman talagang lumutang ang pagiging dyosa ni Iza lalo na at mukhang solong solo nila ang buong isla.

 

View this post on Instagram

 

The amazing lensman @patdy11 does it again! Beautiful photos for an equally beautiful couple ❤️ #BecomingMrsWintle

A post shared by Metro Magazine (@metromagph) on


Engrande man ang buong set up at venue wala pa ring tutumbas sa kanilang love story na mas titibay pa ngayon, sa kanilang araw ng kasal.

Source: AbsCbnNews