Catriona Gray, di na mabilang ang commercials bago pa man maging Miss Universe

Matapos ang ilang araw na paghihintay, nakoronahan na ang bagong Miss Universe 2018. 94 na kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang rumampa upang sungkitin ang korona. Pero, matapos ang tatlong taon bumalik ulit ang korona sa Pilipinas.

Matatandaang nasungkit ni Pia Wurtzback ang korona noomg 2015 sa kanyang kontrobersyal na pagkapanalo, at ngayon ay nakuha na din ng Pinas ang ika-apat na korona. Ibinandera ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang bansang Pilipinas sa buong mundo.

Tunay nga namang lumalaban ang Pinoy pagdating sa ganda, aura at talino na meron ang ating mga dilag. Patuloy lang na ipinapakita sa buong mundo na pang world (the universe rather) class ang gandang Pilipina.

Pero, sa likod ng koronang nasungkit ni Catriona ay marami pa siyang pinagdaanan bago makamit ang tagumpay. Kaya naman, ating balikan ang kanyang mga ‘humble beginnings’ bilang isang TV personality.

Lumitaw din si Catriona sa mga iba’t ibang advertisement o TV commercials. Makikita siya sa isang commercial ng lotion, tuna at maging telecommunications company.

Patunay lamang ito na talagang lahat ng malalaking tagumpay ay nagsisimula sa mga maliliit na bagay gaya ni Catriona na mula sa pagiging commercial model ay Miss Universe na ngayon.

Kaya naman manghang mangha at lubos ang pagkabigla ng mga netizens na kanilang ipinahayag naman sa kanilang mga komento.

“Kaya simula ngayon manunuod nako ng commercial tititigan kopa mga mukha” sambit ng isang netizen.

May mga netizens naman na napansin ang angking ganda ni Catriona at pinuri ang ating Miss Universe 2018.

” Underrated pala sya pero matagal na syang naghahanap ng opportunity sa Pinas. Talaga naman, tapos sasabihin ng iba hindi naman sya mukhang pinay samantalang mas simple pa nga ganda niya kumpara sa mga iniidolo ng karamihan na artista!” pahayag ng netizen

“Yung hindi ka pa sikat ang dami mo ng Commercials. What more pa kaya na ikaw ang Miss Universe.  Panigurado next year maya’t maya makikita ka sa tv,” dagdag pa nila.

Si Catriona ay isang Filipino-Australian model na ipinanganak noong January 6, 1994. Bago pa man sumabak sa Binibining Pilipinas at Miss Universe, ay naging finalist na siya sa Miss World 2016.

Ipinapakita lang din nito na ang tunay na tagumpay ay hindi sinusukuan kundi patuloy lamang inilalaban upang maabot ang tagumpay na inaasahan.