Inakyat nila Aljur at Kylie ang Mt. Batolusong para sa kanilang Honeymoon na talaga namang ikinatuwa ng kanilang fans

Matapos ang mahabang paghihintay ng kasal, ang ‘honeymoon’ naman ang susunod na stage. Dito ay mas napapainit at mas napapalalim ang relasyon ng bawat isa lalo na ng bagong kasal. Bago sugurin ang mga iba’t ibang hamon ng buhay mag asawa nararapat lamang na bigyan muna ng sapat na oras at atensyon ang bawat isa upang mas maramdaman ang pagmamahal ng bawat isa.

Ito ang bahagi ng buhay mag-asawa na mas magpapainit ng pagmamahal ng bawat isa na dapat naman matamasa ng dalawang mag-asawa. Kaya naman, dapat lang talaga na paghandaan hindi lamang ang kasal kundi pati honeymoon para maging masaya at memorable ito.

 

View this post on Instagram

 

Honeymoon vibin’ on top of a mountain

A post shared by kylie nicole (@kylienicolepadilla) on


Pinaghandaan din naman nila Aljur Abrenica at Kylie Padilla ang kanilang honeymoon. Kung ang iba ay nasa cruise ship, o lumilipad sa ibang bansa at namamasyal. Iba ang paghahanda nila Aljur. Dahil sa pagiging adventurous nilang dalawa, mountain hiking ang honeymoon nilang mag-asawa. Inakyat nila ang Mt. Batolusong kasama ang kanilang mga barkada.

 

View this post on Instagram

 

First, definitely not the last summit with you. Cheers to more adventures @ajabrenica ✨

A post shared by kylie nicole (@kylienicolepadilla) on


Napakaganda nga naman ang mga ganitong klase ng honeymoon. Ultimate bonding talaga ang mabubuo ninyo at talagang mag eexert ka ng physical strength para maging posible ang lahat, na talaga namang sulit na sulit pagkadating mo sa tuktok, maging environmental at nature friendly pa dahil natututo tayong pahalagahan ang kalikasan sa angking ganda nito. Siyempre, ang pinakamahalaga din dito ay saksi ang buong kabundukan, mga puno at halaman sa tibay at lalim ng pag-iibigan ninyong dalawa.

Si Kylie ang unang nag update at nag upload sa kanyang social media account. Makikita dito.

“First, definitely not the last summit with you. Cheers to more adventures @ajabrenica” iyan ang naging caption na umani naman ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens.

 

View this post on Instagram

 

Mt. Batolusong.

A post shared by kylie nicole (@kylienicolepadilla) on


Pero halos sa kanila ay nagpapaabot ng Best Wishes at Congratulations dahil sa kamakailan na kasal ng dalawa. Manghang mangha din ang mga netizens sa kanilang ginawa. Marami ang nagsabi na gagawin na nilang option ang mountain climbing sa kanilang honeymoon at flower shop. Kilala naman nating lahat na anak ni Robin Padilla si Kylie. Isang Filipino-Australean si Kylie na talaga namang punong puno ng talento lalo na sa pag arte at pag awit.