OFW na nagpadala ng 650K para sana sa kanilang kasal, babae nalamang nabuntis na pala ng iba. Perang pinadala, di pa mabawi.

“Sa hinaba-haba din naman ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy,” iyan ang paniniwala ng lahat pagdating sa kasalan. Matapos ang ilang buwan o taon ng pagkakilala, panliligaw, pag-iibigan, at pagmamahalan. Iisa lang ang destinasyon ng lahat ng iyan. Walang iba kundi ang panunumpa para sa isa’t isa sa harap ng altar ng simbahan.

Source: Raffy Tulfo in Action Youtube

Hinihintay nga naman ng lahat ang sagrado at espesyal na bahagi ng buhay na ito. Minsan ka lang ikakasal kung kaya’t talagang pinipili ang taong makakasama at mayroong mga preparasyon na talaga namang mabusisi para sa kasal.

Ginagawa ito upang maging espesyal at hindi malilimutan ang araw ng panunumpa sa bawat isa. Pero, paano kung imbis na pinaghandaan ninyo ang araw ng panunumpa ng inyong pag-iibigan ay halos isumpa mo na siya dahil sa ginawa ng iyong ka relasyon?

Source: Raffy Tulfo in Action Youtube

Narito ang kwento ni Jimmy. Si Jimmy ay isang OFW na kumakayod ng husto sa ibang bansa pero nasa long distance relationship kay Lailanie Ragimac na narito sa Pilipinas. Regular ang pagpapadala ni Jimmy sa kasintahan lalo na sa kaniyang mga pangangailangan. Pero, isa sa mga pinaglalaanan ni Jimmy sa kanyang padala ay ang kanilang kasal.

Umabot na sa 650,00 ang naipadala na ni Jimmy kay Lailanie. Panatag na panatag si Jimmy sa kaniyang kasintahan ay hinihintay na lang ang pag-uwi para naman all set na ang kasal at hihintayin na lang talaga ito. Masaklap ay hindi kinaya ni Lailanie ang LDR. Hindi na nakatiis si Lailanie at nagkaroon ng ibang kinakasama, at mayroo. naring anak. Tila nalimutan ni Lailanie ang mga padala ni Jimmy at sumama na lang siya talaga sa iba.

Ngayon, hindi na ang kasal ang hinahabol ni Jimmy sa babae. Ang 650,000 na pinaghirapan niya ang nais kunin ni Jimmy. Mas binibigyang pansin na lang ngayon ni Jimmy kung paanong mababawi ang kanyang pinaghirapan. Pero bago iyon, nais din naman ni Lailanie na kwetuhin muna upang malaman kung magkano pa ba ang babayaran at ang sistem kung paano magbayad.

Matapos naman ang pag-uusap ng dalawang panig, inaasahan na magiging maayos ang usapan at masusunod ito. Binuksan na rin ngayon ng nanay ni Jimmy ang sama ng loob kay Lailanie na hindi niya binayaran ang dapat bayaran matapos mangako ng 200,000 na kabayaran. Puno na rin sila ng pagdududa sa magiging pagbabayad nya kung kaya’t minabuti ng programa na idulog at ibalik ang usapin sa jurisdiction ng barangay upang magkaroon ng sapat na solusyon mula sa kanila.

Credits: Raffy Tulfo in Action Youtube