Kapamilya Star Liza Soberano, nakitang namamahagi ng pagkain sa pulubi

Si Liza Soberano ay isa sa mga pinaka mabilis at successful na artista sa show business. Nagsimula siya sa mga palabas na “Wansapanatym (2011) Kung Ako’y Iiwan Mo (2012), She’s the One (2013), Must Be… Love (2013). Nagkaroon din siya ng mga movies kasama ang on screen partner na si Erique Gil. Ito ay ang “Forevermore”, “Just the way you are”, Everyday I Love you and “My Ex and Whys “. Inaabangan din ng lahat ang pagganap niya bilang ang susunod na “Darna”. Talaga namang sobrang daming nakaka appreciate ng mala metisa look ni Liza ng gawaran siyang top 1 sa international magazine na “100 most Beautiful Faces by TC Chadler”.

Photo Source: Pep.ph

Noong buwan ay ginulat tayo ni Liza sa kanyang “What’s in the Box Challenge”. Ngayon naman ay ipinakita pinaalala niya na ang pasko ay panahon ng pagbibigayan.

Photo Source: Pep.ph

Nakita at nakuhanan ng litrato ang kapamilya star na namamahagi ng pagkain sa nadaanang pulubi sa Quezon City. Ito ay paraan niya ng pagpapamahagi ng blessing na natamo niya sa kanyang career. Ginawa din ni Liza ang best nya para mailihim ang kanyang agenda sa pagtulong ng mga homeless at mga pulubi. Nakuha siyang purihin ng mga netizens ng nakita nila ang mga litratong ito dahil na rin sa pagiging down to earth, humble at caring ang kapamilya star.