Isang babae ang pinalabas sa isang restaurant dahil sa dami ng tattoo, pero di nila alam na sya pala ay isang bigating tao

“Don’t judge the book by its cover,” natural na nga sa atin ang tumingin sa anyong panlabas ng isang tao. Maaaring nagugustuhan o inaayawan mo ang isang tao dahil sa kanyang panlabas na anyo. Kasama na diyan ang kulay ng balat, hugis ng mukha, body composition at iba’t ibang facial features.

Source: Instagram/ rosearered_23

Hindi maikakaila na talagang mayroong malaking epekto ang panlabas na anyo ng isang tao sa kung paanong makikitungo ang ibang tao sa iyo. Kaya naman, mayroong iba na nagiging dahilan ng pikunan o tuksuhan, kasama na rin ang pamamahiya dahil sa labis na pamimintas sa pisikal na karakter ng isang tao.

Lalo na ngayon na pati sa modernong teknolohiya ng social media ay talagang nagiging lugar na rin ito ng pikunan, tuksuhan at body shaming.

Source: Instagram/ rosearered_23

Pero iba ang kwento ng isang doktor mula sa Australia na si Dr. Sarah Gray, nakaranas din siya ng diskriminasyon hindi dahil sa kanyang hitsura kundi dahil sa mga napakaraming tattoo na meron siya sa kanyang buong katawan. Binansagan na nga siya bilang “world’s most tattoed doctor”.


Gayunpaman, hindi naman ito nakakabawas sa kanyang pagiging propesyonal o pagkatao at hindi din naman ito nakakaapekto sa kanyang trabaho bilang doktor.

Source: Instagram/ rosearered_23

Pero, hindi pa rin maiiwasan na nakakaranas siya ng diskriminasyon sa mga taong nakapaligid sa kanya dahil sa kanilang nakikita.

Sa isang restaurant, ay pinaalis sila para kumain. Pinagtabuyan sila ng kanyang asawa na isa ring tattoo artist. Makikita dito ang labis na diskriminasyon sa kanila.

Source: Instagram/ rosearered_23

“I was out for lunch in a restaurant with my partner on the Gold Coast when we were seated at a table. After being seated for lunch, management then came up to us and asked us to leave as they had a ‘no visible tattoo policy’ for diners. That was a little disappointing, to say the least.” sambit ni Dr. Sarah Gray.

Source: Instagram/ rosesarered_23

Samantala, sa mga retail stores naman ay hindi rin sila ineentertain at pilit iniiwasan. Inuuna pa nila ang ibang customer kesa sa kanila.

“They all served other customers first and wouldn’t even make eye contact with me. I waited politely for ages and eventually gave up and left. They did themselves out of a sale and I saved myself $1,000, so I guess that’s one bonus!” dagdag pa ni Dr. Sarah Gray.

Sa kabila ng lahat ng ito, ay nananatili pa ring positibo si Dr. Gray at ipinaglalaban ang positibong pananaw sa buhay.

Source: EliteReaders