Tatay na OFW nagtago sa kahon para surpresahin ang anak ngayong pasko. Ang reaksiyon ng bata ay talagang nakakaiyak.

Isa sa mga pinakaaabangan ng mga batang may magulang sa ibang bansa ay ang mga balikbayan boxes na ipinapadala galing abroad. Puno ito ng mga magagarbong damit, mamahaling mga bagay, mababangong halimuyak ng mga imported na pagkain atbp. Ngunit, paano kung ang laman nito ay ang mga magulang mo na kay tagal mon ang nais makapiling?

Kakaibang sorpresa ang inihandog ng OFW na si Martin Flores Navarro sa kanyang anak. Himbis na pasalubong ang laman ng balikbayan box ay inilagay niya ang kanyang sarili. Binulaga niya ang kanyang anak sa pagbukas nito at napaiyak na lamang sa saya si Saliah Franchesca.

Kitang-kita sa ekspresyon ni Saliah ang pagkabigla at saya. Wala siyang kaalam-alam na uuwi na lamang bigla ang kanyang tatay na magpapasaya pa lalo sa kanyang bakasyon.

Ayon kay Martin, isa siyang beterinaryo sa United Arab Emirates at humingi muna ng kaunting araw na makapagliban sa trabaho upang makapiling ang anak. Kahit na ilang araw lang iyon, gagawin nila iyong memorable. Ang kanyang mga magulang ay kasalukuyang nagtatrabaho abroad kaya ay labis na naawa sila. Ngunit dahil sa puno ang trabaho ng dalawa, isa lamang ang nakauwi at ito ay si Martin.

Sa nasabing sorpresa, ang kapatid umano nito ang kumuha ng video upang ma-preserve ang moment na iyon. Inilatag nila ang video sa isang social media platform at hindi nila inaasahang marami ang maantig at masisiyahan na mga netizens. Kung ihahalintulad natin ito sa isang pelikula, maiiyak ka talaga!

Ayon sa mga comment, walang kapantay ang pera sa kaligayahang mabibigay nito. Ang iba pa ay sumasaludo sa sakripisyong ibinibigay nito at nagsabing wala nang mas sasarap pa sa yakap. Sa Paskong parating, hindi matatanggal sa isipan na mga naiwang anak sa Pilipinas ang pagbabaka-sakaling umuwi ang kani-kanilang magulang. Para kay Samantha, ang kanyang hiling ay natupad na. Kaya sa mga magulang na OFW, walang katumbas ang saya na mararanasan kapag nagkita na kayo ng inyong mahal sa buhay.