Jinkee Pacquiao at Senator Manny Pacquiao, naghanda ng surprise birthday party para sa kanilang anak na si Michael para sa kaniyang ika-17 na kaarawan

Ang birthday o araw ng kaarawan ay isang mahalagang selebrasyon ng buhay ng tao. Ang mga dumadalo sa kaarawan ng isang tao ay maaaring nagpapakita ng kanilang pagpapahalaga sa kaniyang buhay, hindi lang sa pamamaraan ng pagbibigay ng materyal na regalo, kundi pati na din sa isang salo-salo na hindi naman kailangang magarbo para masabing espesyal, pero tunay na pinaghahandaan ng mga mahal sa buhay ng magbebertdey. Maykaya o wala, pinaglalaanan ng halaga ang mga handa para sa kaarawan, maipakita lang na ang mayroong kaarawan ay mahal na tunay ng mga tao sa buhay niya.

Source: Instagram
Source: Instagram

Minsan mas pabor ang sorpresang mga handaan upang mabago naman ang karanasan ng handaan para sa kaarawan. Ito ang ginawa ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao para sa ika-17 na kaarawan ni Michael Pacquiao na kanilang ipinagdiwang sa kanilang bahay.

Makikita dito ang palamuti na pangkaarawan at pagkain tulad ng birthday cake para kay Michael, ngunit ang tunay na tumatak sa kanila ay ang choir na pinakanta pa sa kanilang bahay para lang sa kaarawan ni Michael.

Ang lahat naman ng pangyayaring ito ay makikita sa video at mga litrato na kinuha at pinost naman sa social media account ni Jinkee Pacquiao. Sa isang post niya nakalagay ang video ng pangyayari. Nagpost din si Jinkee ng isang larawan ni Michael na mayroong kasamang caption.

Sabi ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang anak sa post, “Happy birthday my son, Michael. I pray that from God’s glorious, unlimited resources He will empower you with inner strength through His Holy Spirit.That Jesus Christ make His home in your heart as you trust in Him. May you will grow down into God’s love and keep you strong. And always keep in mind how wide, how long, how high, and how deep His Love is for you. I am grateful and blessed to have you as my son. I love you. Happy happy birthday! @pacquiao.michael.”

Ilan naman sa mga netizens ay bumati din sa maykaarawan na si Michael Pacquiao sa kanilang comments sa Instagram post ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang account. Ilan sa mga bato ay ang mga sumusunod:


cathyvjuliano: Happiest birthday, Michael! May you continue to be blessed with good health and live with a full life…full of joy in God’s loving embrace and full of loving family. / applegreatsonHappy Bday Michael ! / haydeejamoraHappy bday michael Godbless and we love u
redgiemagnoHappy Birthday Michael / goodypenalosaHappy birthday Michael! / queenlaviesHappiest birthday to your handsome son