Pinoy na Piloto, ginawan ng sorpresa ang kanyang mga magulang na di nakasama ng 16 na magkakasunod na Pasko

“Masasarap na pagkain, magagarbong mga damit at sapatos, maging mga walang katapusang regalo at aguinaldo,” iyan ang karaniwang kaugalian tuwing kapaskuhan. Lalo na tayong mga Pinoy na talaga namang pinapahalagahan ang diwa ng Pasko. Hindi maikakaila na bahagi na ng kultura, mula noon magpahanggang ngayon ang selebrasyon Pasko. Bata man o matanda, lalaki man o babae, mayaman man o mahiram. Anumang edad, kasarian o antas sa buhay ay mayroon lamang iisang diwa ng kapaskuhan.

Kaya naman, ang pamilyang Pilipino ang siyang kukumpleto sa puso ng Pasko.

Isang piloto na si Juan Paulo Fermin ang nagkaroon ng espesyal na flight dahil sa kasama niya sa iisang eroplano ang kanyang mga magulang na talaga namang may espesyal na puwang sa kanyang puso.

Si Juan Paulo ay isang piloto ng Philippine Airlines Flight. Mula sa Vancouver, Canada ang flight pauwi ng Manila na hindi naman inasahan ng kanyang mga magulang na siya ang piloto ng mismong eroplanong sinasakyan nila. Nakipagtulungan si Juan Paulo sa mga cabin staff. Habang sakay ng eroplano ang kanyang nanay at step father, nilapitan ni Juan ang kanyang ina at step father na may dalang bulaklak.

“Hala! Anak ko.” Iyan na lamang ang tatlong salita na lumabas sa bibig ng kanyang ina. Niyakap na lamang nila ang isa’t-isa at nagiyakan.

Paano ba naman kasi? Hindi lamang isa o dalawang taon kundi umabot na sa 17 taon ang mga panahong di nila pagkikita. Talaga namang di matatawaran ang kaligayahan ng kanyang ina dahil sa sorpresa ng anak.

 

“Every time they come home to the Philippines, tapos aaalis na naman sila, na-experience ko yung parang andoon ka sa airport na nag-iiyakan sila. So naisip ko someday I can bring people back to their families—it’s one way of giving back to others,” sambit ni Juan Paulo.

“I really did want to fly my parents home. Aside from that, the benefits I receive as a pilot will allow them to come home more frequently—it will be easier because it will become more practical,” dagdag pa ni Juan Paulo.

Pangarap daw talaga ito ni Juan Paulo sa kanyang mga magulang kaya naman nakipagpalit siya agad ng schedule at buti naman at nakisama ang kanyang mga workmates kaya naging posible ang sorpresang ito na sumabay pa sa araw ng kapaskuhan ng Pamilyang Pilipino.

Source: Juan Paulo Fermin Facebook