Catriona Gray, inaming siya lang mismo ang nag-ayos ng kanyang buhok at makeup para sa preliminary round ng pageant

Kilala ang mga Pinoy bilang mga pageant fanatics. Anumang klasi ng mga pageants, mapa bario man, o hanggang sa ibang bansa ay talaga namang dinudumog ito ng mga Pinoy lalo na ng mga netizens.Kaya naman, taun-taon ay inaabangan ng mga Pilipino kung sino ang mga mananalo sa mga national pageants na isasabak sa mga international pagents na magiging pambato ng Pilipinas.

 

View this post on Instagram

 

IBONG ADARNA πŸ§‘πŸ‡΅πŸ‡­ The Blazing Siren by @maktumang My preliminary gown was inspired by the ‘Ibong Adarna’: a prominent Filipino folklore that is a mythologicalnous bird. Story goes, the Ibong Adarna’s enchanting voice can enable complete healing to anyone who hears it. Some artists liken it to the mythological Phoenix where it recurrently regenerates itself by arising amidst a spectacle of flames and candescence. This makes it a fitting symbol of resilience, rising and rebirth. πŸ‡΅πŸ‡­πŸ”₯ My earrings were designed by me and executed by @tesserajewelry as another ode to the Philippines with the Philippine sun and golden South sea pearls, our national gem. πŸ‡΅πŸ‡­ Thank you to @maktumang for his amazing craftsmanship and exquisite execution of this gown, to @justine.aliman19 and @ton_lao for styling in @bragaisjojo heels and @tesserajewelry. Thank you to mamang @hairbybrentsales and @jellyeugenio for teaching me to slay my hair and makeup! And to @carlosbuendiajr, the man behind my walk πŸŒ‹ I love you all!!!

A post shared by Catriona Gray (@catriona_gray) on


Isa na riyan ang prestihiyosong pageant na Miss Universe. Lahat naman ay alam na alam ang pageant na ito, bata man o matanda, lalaki man o babae, mayaman man o mahirap. Tila tumitigil din ang ikot ng mundo sa mga Pinoy kapag darating na ang araw ng Miss Universe Pageant. Matatandaang nagkaroon na ng 3 korona ang Pinas sa Miss Universe, sina Gloria Diaz, Margie Moran at noong 2015 na si Pia Wurtzback. Napaka kontrobersyal din ng pagkapanalo ni Pia na mas nagpaingay sa ating bansa.

Noong 2016 naman ay ginanap ang Miss Universe sa ating bansa at taun-taon hindi naman pumapalya na makapasok ang ating pambato sa Top 10, at karamihan pa nga ay mga runner ups.Ngayon, marami ang nagsasabing malakas ang pambato natin na maaaring mag-uwi ng pang apat na Miss Universe Crown, si Catriona Gray. Preliminary competetion pa lang ay nagpakitang gilas na si Catriona. Nagtrending pa siya sa twitter dahil sa kanyang pinakitang galing sa pagrampa ng kanyang pink swimsuit at Ibong Adarna inspired na gown.

Naging usap-usapan din ang kanyang ‘slow mo’ walk na napabilib niya halos ng mga taong nanonood. At pinangalanan na rin ang kanyang pagrampa bilang ‘lava walk’. Pero sa likod ng kamera ay mayroong mas nakakabilib kay Catriona, siya lang pala mismo ang nagmamake up at nag aayos ng kanyang buhok. Ginagawa niya ang mga ito ng mag-isa. Talaga namang kayang-kaya na ni Catriona ang pagiging independent woman.

Nagkaroon naman ng interview si Catriona kay ABS-CBN reporter Dyan Castillejo. Hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ni Cat.

“Ako. Promise!” iyan ang sagot ni Cat matapos tanungin kung sino ang nag-ayos sa kanya.

Kakatapos lang ng preliminary pageant noong December 13 at gaganapin ang coronation night sa December 18 sa Lunes na magkakaroon ng live telecast sa ABS-CBN.


Si Catriona ay hindi na bago sa international pageant matapos sumalang din ss Miss World at nakapaguwi ng runner up place. Ngayon, maiuuwi na kaya ni Catriona ang ika apat na korona ng Miss Universe?