Aubrey Miles naisilang na ang kanilang cute na baby daughter!

“Blessing” kung maituturing ang pagdating ng bagong miyembro ng isang pamilya. Masasabing muling sasaya at mas sisigla kapag may bagong bunso na naman na kululitin ang bawat isa.  Siguradong excited na naman na pisilin ang mga pisngi ni baby dahil sa extreme cuteness nito. Excited na ang lahat na masilayan ang bagong anghel na bahagi na ng pamilya na paniguradong punong puno ng kulit na magpapasaya sa buong bahay. Kaya naman, matapos ang siyam na buwan na paghihintay ay dumating na ang ikalawang anak nila Aubrey Miles at Troy Montero, na isang baby girl.

Maaaring nag-iisip ka na na kamukha siya ng kanyang napakagandang ina na si Aubrey. Kaya naman, noong December 14 ay nanganak na si Aubrey sa St. Lukes Medical Center.

 

View this post on Instagram

 

It’s official, we have a daughter! You were amazing my Sweetness. I love you so much! ❤️ @milesaubrey

A post shared by Troy Montero (@troymontero) on


Inupdate naman ni Troy ang mga netizens sa social media sa mga current updates ng mga nangyayari sa kanila. Inabangan ito ng mga netizens dahil regular din ang paguupdate ni Aubrey sa social media sa kanyang pagbubuntis.


“Waiting game” ganyan inilarawan ni Troy sa Instagram ang paghihintay nya na makita ang kanyang asawa at ang kanyang cute na cute na daughter. “It’s crazy… I’m realizing it’s happening right no, It’s funny we were like picking up Hunter from school, and we’re actually gonna be on our way home, and the doctor’s like, ‘No, no, no,'” sambit ni Troy.


Masayang-masaya namang ibinalita ni Troy sa mga netizens ang good news na nasa maayos ng kundisyon ang kanyang mag-ina na labis na ikinatuwa ng mga netizens.

 

View this post on Instagram

 

Looks like the beginning of a beautiful relationship ❤️❤️ @milesaubrey @rocketmiller01 #RocketMiller

A post shared by Troy Montero (@troymontero) on


“My sweetness gave birth at around 3:30am 12/14/18 to a healthy baby girl. Both are doing fine and now resting,” iyan naman ang isinulat ni Troy sa kanyang IG. Marami namang mga netizens ang pilit nag-iisip kung sino kaya ang magiging kamukha ng baby girl na ito? For sure, magiging daddy’s girl din ito.

Posible din kayang pumasok siya sa showbiz gaya ng kanyang mga magulang. Susunod din kaya siya sa yapak ng kanyang mga magulang na sina Aubrey at Troy sa industriya ng showbiz.

Kaya naman, abang na abang at usap-usapan talaga ang lahat kay Aubrey dahil sa mga glowing shots sa pregnancy pictorial ni Aubrey.