Sobrang naantig ang puso ni Willie Revillame nang ipakita ng isang fan ang kanilang larawan na sinalba nya mula sa bagyong Ondoy

Kung ang isang programa ay nakapagbibigay ng tuwa, saya at ligaya sa mga nanonood, fans at viewers. Paniguradong babalik at babalik iyon sa iyo, hindi lang sa ratings, advertisements o kung ano pa. Babalik ito sa ibang paraan na di mo aasahan.

Hindi inaasahan ng GMA Wowowin Host Willie Revillame na makikita niya ang isang fan na may picture pa sa kanya na nakuhanan pa noong March 1, 1998 sa Fairview. Tila napakatagal na ng larawan pero may sentimental value ito sa kanya.

Ayon sa fan, sinagip niya ang larawang ito sa gitna ng baha at bagyo noong panahon ng Bagyong Ondoy. Bago pa ang lahat at magsalba ng ibang gamit, inuna pa niya ang larawan nila ni Willie kung kaya’t dali dali niya ito pinakita kay Willie.

Nakakataba nga naman ng puso ang makitang pinapahalagahan ka ng mga tao. Gaya ni Willie, walang matatawaran sa ginawa ng kanyang fan sa kanya na itago ang isang larawan nilang dalawa. Literal na sinuong niya ang anumang unos, baha o bagyo para makuha ang litratong iyon.

Lubos na nasiyahan si Willie sa ginawa ng kanyang fan. Hindi nga naman matatawaran ng kahit anong presyo ang sayang dulot ng paglilingkod sa mga tao, lalo na’t upang mapasaya, mapatawa at mapasigla ang bawat isa.

Dahil dito, napasaya niya si Willie at binigyan nya ng jacket, cash at maging mga gadget. Magagamit din nila ang mga ito.

Lubos na nasisiyahan si Willie sa mga taong nakakaalala at nagbibigay pa ng buhay sa Wowowin. Kung kaya’t binigyan nya din ng gantimpala yung mga taong nakaka alala sa kanya gaya ng mga artwork, o music video.

Si Willie ay ipinanganak noong Enero 27, 1961, Si Willie Revilla ay isang host, singer, actor, comedian, at businessman. Siya ang nagmamay-ari ng Will Tower Mall kasama si Manny Villar.

Matatandaang bago pa ito ay naging host na rin siya ng ‘Wowowee’ ng ABS-CBN.