Si Bossing Vic Sotto, namigay ng house and lot bilang papremyo! Ang nanalo, di makapaniwala sa sobrang tuwa

“Isang libo’t isang tuwa, buong bansa Eat Bulaga” bahagi na nga ng pananghalian ng sambayanan ang GMA noon time show na Eat Bulaga sa pangunguna ni Tito, Vic at Joey. Randam na randam nga naman ang saya mula Batanes hanggang Hulo dahil sa pangaraw araw na sorpresa ng mga papremyo at saya para sa mga tao.

Hindi maikakaila na napakalaki ng papel ng telebisyon sa mga Pilipino, kung kaya’t ang mga noon time show tulad ng Eat Bulaga ay bahagi na ng pangaraw araw na buhay ng mga tao. Ang pagbibigay ng di matatawarang saya maging mga papremyo ay isang rason kung bakit patuloy ang pagtangkilik ng mga Pinoy dito.

Ang Juan for all, All for Juan ay isang segment ng Eat Bulaga na kung saan dumadayo ang mga host gaya nila Jose at Wally upang makapamigay ng premyo sa Sugod Bahay at magpasaya sa mga tao.

Isang winner ang punong-puno ng swerte at biyaya dahil binigyan siya ng mga kagamitan sa bahay at maging mga appliances na magagamit niya mula sa mga sponsors ng Eat Bulaga.

Isa pa, mas nakakabigla ang sunod na binigay ni Bossing. Hindi na lang gamit kundi house and lot ang ibinigay sa kanila.

Hindi makapaniwala ang Sugod Bahay winner na si Josephine na mayroon na siyang bagong bahay at lupa, at lubos ang kanyang kagalakan.

Inutusan pa ni Bossing ang mga dabarkads na tulungan siyang mag impake upang makalipat agad sa kaniyang bagong bahay.

Kaya naman, tinulungan sila ng EB host na si Ryan Agoncillo na nakuhanan pa sa camera ang pagtulong sa kanya.

Hindi naman alam ni Josephine kung paano magpasalamat dahil sa lubos lubos na kasiyahan na dulot ng maagang pamasko ni Bossing sa kanya.

Napakasayang makita na maraming napapasaya ang mga ganitong noon time show na mga Pilipino. Hindi lang sila masaya dahil sa mga performances o biruan sa TV kundi dahil natutulungan sila sa totoong buhay.

Ang pagaabot ng tulong sa pamamagitan ng ganitong mga programa ay isang biyayang maituturing para sa mga taong kapos palad.

Tunay nga naman na isang libong tuwa at isang libong ligaya na naman ang hatid sa bayan ng Eat Bulaga!