Mga anak ng mga celebrities na super rich na agad kahit di pa pumapasok sa Showbiz

Ang pagsusumikap sa pag-aaral, pagtatrabaho o pagnenegosyo ang ilan sa mga paraan upang umunlad sa buhay. Kani-kaniyang kayod kung paano magtagumpay at maasam ang kaaya-ayang buhay, na nabibili ang kanilang gusto at mga pangangailangan.

Pero iba nga naman talaga ang swerte, sadyang may mga tao na napakaganda na ng buhay kapanganak pa lamang. Tila ang mga pamilya at kanilang mga magulang ang nagsumikap ng husto upang mabigyan sila ng magandang buhay.

Kaya naman, narito ang ilan sa mga super rich kids na anak ng mga pinoy celebrities at sports athletes na talaga namang mayayaman na kahit hindi pa pinasok ang mundo ng showbiz o sports.

1) Pacquiao Kids

Sino ba naman ang makakahigit sa People’s Champ Senator Manny Pacquiao? Hindi man sila nagsimula ni Jinkee bilang mga mayayaman pero nagsumikap sila at talaga namang dumaan sa hirap patungong ginhawa sa buhay.

Kaya naman, ngayon tinatamasa nila ang 15 businesses at 9 mansions na kanilang ipinagpapasalamat sa Diyos.

Makikita pa dito ang kanilang sabay sabay na pagpunta sa simbahan tuwing Linggo kasama ang kanilang mga anak na sina Jimuel, Michael, Queen Elizabeth, Mary Divine Grace, at Israel Pacquiao.

2. Jaworski Kids


Isang sports icon na si Dodot Joworski at showbiz singer actress na si Mikee Cojuangco naman ang loving couple na parehong galing sa mga mayayaman na pamilya.

Kaya naman, maituturing sina
Robbie, Renzo, at Rafael na kabilang sa mga rich kids. Mga tunay nga naman na R.K.

3. Larrazabal Kids


Mula naman sa mayayaman sa siyudad ng Cebu, si Yong Larrazabal na naging asawa ng showbiz singer na si Donna Cruz.

Sila ang may-ari ng isang napakalaking hospital sa kanilang lugar kung saan mayroon ding clinic ang kanyang asawang doctor.

Sina Belle, Cian, at Gio ang mga mapapalad na anak nila Donna at Dr. Yong.

4. Lagdameo Kids


Kilalang kilala ang iconic actress na talaga namang napaka galing umarte na si Dawn Zulueta. Bukod dito, naging kabiyak niya si
Antonio Floirendo Lagdameo Jr. na siyang nagmamayari ng napakaraming mga business companies sa Davao.

Talaga namang maswerteng ma swerte sina Jacobo at Ayisha sa kanilang mga magulang dahil mga instant rich kids din sila.