Jinkee Pacquiao, inihanda na sa pasko ang kanilang Christmas Tree at talagang nakakalula sa dami ng palamuti at dekorasyon

Ang pasko ay ang nagsisilbing paala-ala na malapit na ang takdang pagsilang ng ating tagapagligtas na si Hesus, ito ay kung isa kang Kristiyano. Bukod sa relihiyon, nakikita din na panahon ng pagbibigay ng regalo ang araw na ito, na karaniwang kinukwento kung saan si Santa Claus ay namimigay ng regalo sa mga batang naging mabait sa buong taon.

 

View this post on Instagram

 

It’s the most wonderful time of the year! 🎄💞

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on


Para naman paghandaan ang pasko sa kahit na ano pang dahilan, maparelihiyon o panahon upang magbigay at magpatawad sa isa’t-isa, naglalagay ng madaming palamuti ang mga tao sa kanilang mga bahay. Mga Christmas lights, Christmas tree, mga parol, mga istatwa ni Santa Claus, at madami pang iba kung ikaw ay tunay na malikhain.
Para naman sa pamilya Pacquiao, ipinakita ni Jinkee Pacquiao ang kanilang magarbo na bahay sa Makati na makikitang handa na para sa panahon ng pasko.

 

View this post on Instagram

 

Keep the positive attitude,. Life is beautiful and there’s so much to smile about. ✨💖🌞😊 #speaklife #bepositiveandsmile

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on


Sa posts ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang social media accounts, ipinakita niya ang kanilang sala, ang swimming pool, at siyempre, mga palamuti na pangpasko, lalo na ang kanilang napakalaking Christmas tree. Bukod sa kanilang bahay at malaking puno, nagpost din si Jinkee Pacquiao ng mga bagay na mas mahalaga sa kahit ano pang materyal na bagay na mayroon sila, at iyon ay ang kanilang buong pamilya.

 

View this post on Instagram

 

Oh, Christmas Tree. Oh, Christmas Tree…how lovely are your branches… 🎄🌺🎁 Good evening my sweet insta friends!!!

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on


Kasama ang dalawang anak na lalaki at dalawang anak na babae, si Jinkee Pacquiao ay makikitang puno ng galak para sa kaniyang mga biyaya sa buhay, lalo na sa kanilang pamilya ng senador na si Manny Pacquiao. “Sunday kind of LoVE… #mypreciousfamily ” ika ni Jinkee sa kaniyang post sa Instagram.


Ilan pa sa kaniyang mga Instagram posts ay nagpapakita ng loob ng kanilang bahay. Ilan sa mga caption ay ang mga sumusunod. “When life gives you Monday. Dip it in glitter and sparkle all day! Happy Monday!”, “Keep the positive attitude,. Life is beautiful and there’s so much to smile about. #speaklife #bepositiveandsmile”, “Oh, Christmas Tree. Oh, Christmas Tree…how lovely are your branches…  Good evening my sweet insta friends!!!”, at “Hello DECEMBER! “, na lahat nagpapakita ng kanilang preparasyon para sa darating na ika-25 ng Disyembre.

Ang kaniyang asawa naman na si Senator Manny Pacquiao ay naghahanda hindi lang para sa pasko, ngunit pati din sa isang laban sa boxing ring, kung saan makakatapat niya ang Amerikanong boxer na si Adrien Broner matapos niyang talunin si Lucas Matthysse kung saan napanalunan niya ang WBA Welterweight title at ang kaniyang ika-60 na panalo bilang isang boksingero.