Mga Artistang may kwento ng pagmamahalan kasama ang kanilang Foreign Partners

Iba-iba tayo ng gusto at hinahanap sa taong ating nais pakasalan at makasama habang buhay. Anumang lahi, antas sa buhay, o edad, walang maaaring maging hadlang hanggat mahal ninyo ang isa’t isa.

Ngunit, halos sa mga ibang lahi ay gustong gusto ang mga Pinay. Iba daw kasi magmahal ang Pinoy, tunay na mapagmahal, maalaga at tapat sa pagmamahalan.

Kaya naman, kilalanin natin ang mga Filipino celebrities na mayroong mga partners na foreigner, ang iba ay kasal, habang ang iba ay mayroon na ring mga anak.

1. Iza Calzado at British Ben Wintle


Inaasahan na magpapakasal na ang dalawa sa darating na Disyembre. Nagkakilala silang dalawa sa isang magazine event noong 2011. Si Ben ang lumapit upang magpaalam kung maaari niyang i add sa facebook si Iza.

2. Bianca Manalo at Brazilian Japanese Fabio Ide


Kapuso actor si Fabio at kinumpirma na rin ang kanilang 5 buwan na relasyon. Masaya sila at magkaibigan din si Bianca at Dennisse Oca, na nanay ng anak nila ni Fabio.

3. Georgina Wilson at British Arthur Burnand


Ipinagdiwang ni Georgina ang bagong taon at Valentines Day noon kasama si Arthur. Ipinakilala na rin niya si Arthur sa kanyang mga followers noong Setyembre 2017.

4. Isabelle Daza at French Adrien Semblat


Pitong beses hinindian ni Isabelle si Adrien. Pero di siy sumuko, kaya naman inanunsyo na niya ang kanilang engagement, matapos ang kanilang 6 years na relasyon.

5. Solenn Heusaff and Argentine Nico Bolzico


Engaged na silang dalawa noong December 2014 matapos ang tatlong taong pagsasama at ikinasal na din sila sa France.

6. Anne Curtis and Filipino-French Erwan Heusaff


Suportado nila ang isa’t isa kaya naman napagtibay ang kanilang pagsasama sa loob ng anim na taon. Host sa It’s Showtime si Anne at kapatid ni Solenn si Erwan.

7. Vina Morales and French Marc Lambert


Matapos ang pitong taon, natagpuan na din ni Vina ang bagong nagpapasaya sa kanya at travel buddy pa. Nakilala nila ang isa’t isa dahil kay Ilocos Sur governor Chavit Singson.

8. Ruffa Guttierez and French Israeli Jordan Mouyal


“Kung ibang tao na ‘yon baka umiwas na sila, but for him he’s very secure.” sabi ni Ruffa. Kung kaya’t suportado sila ng kanilang mga pamilya, kahit pa nasa 10 years ang tanda ni Ruffa sa kanya.

9. Pokwang and American Lee O’Brien


Leading man ni Pokwang si Lee sa TFC movie na Edsa Woolworth.

10. James Yap and Italian Michela Cazzola


Basketball player si James at secretariat specialist si Michela. Tatlong taon na rin silang nagsasama.