Ang mga Vans na ginawang Mobile Homes ng ating mga paboritong Artista at tingnan kung gaano kakumportable magstay dito

Ang pagkakaroon ng bahay ang isa sa mga pinakamahalahang pangagailangan ng isang tao. Ito ang nagiging sandigan ng isang pamilya, at lugar para tayo ay nagpapahinga. Matapos man ang isang buong araw ng kapaguran sa eslwelahan, opisina o trabaho, babalik at babalik ka pa din sa bahay mo. Paano kung ang mismong bahay mo na ang susunod sa iyo?

Iyan ang mobile homes. Halos sa mga artista ngayon ay naging ikalawang tahanan na ang lansangan, dahil sa sunod-sunod na tapings o shooting. Kaya naman, sila talaga ang nangangailangan ng mobile homes na nandun na lahat ng kanilang pangangailangan. Hindi na nga naman magiging pagod ang kanilang buhay kung pagpasok pa lang sa kanilang van ay feel at home na sila sa pagtulog.

Mula sa bedroom, hanggang sa toilet maging entertainment system ay sagot na ng mobile home na ito na hatid ng Atoy Customs. Narito ang ilan sa mga celebrities na nagpakita ng kanilang bonggang bonggang mobile homes.

1. Kylie Padilla

Source: Instagram

White at black stitches naman ang gustong gusto ni Kylie sa disenyo ng kanyang sasakyan. Nagpasalamat siya sa napakagandang aesthetic ng kanyang sasakyan.

2. Kim Chiu

Source: Instagram

Ibinida ni chinita princess ang latest custom chair ng kanyang mobile home. Makikita na komportableng komportable si Kim sa kanyang pagpapahinga sa custom chair.

3. Gabby Garcia

Source: Instagram

Mas magkakaroon naman ng magandang watching experience si Gabby sa paguupdate ng kanyang TV ng HD 1080 sa Starex VIP. Paniguradong high quality movies ang mapapanood dito ni Gabby.

4. Yassi Pressman

Source: Instagram

Sobra sobra rin ang pasasalamat ni Yassi sa Atoy Customs sa pagdidisenyo sa kanyang Hyundai H350. Makikita ang modernong disenyo ng sasakyan na talagang makapagbibigay ng maayos na pahinga sa kanya.

5. Donny Pangilinan


Chill na chill naman ang pagkakaupo ni Donny sa kanyang mobile homes. Talaga namang makakapagpahinga ka dito na parang nasa bahay lang dahil sa mga modernong gamit nito.

6. Arnel Pineda

Source: Instagram

Mas masarap naman ang magiging road trip experiences ni Arnel dahil sa kanyang mobile home.

7. Nico Muhlach at Alonzo Muhlach

Source: Instagram

Dito naman nag bobonding ang mag ama na sina Nino at Alonzo sa kanilang mobile home. Mas hindi na nga nila randam na wala sila sa bahay dahil pareho na silang nandito sa sasakyan.

8. Aubrey Miles and Troy Montero

Source: Instagram

Unang beses din na magpa customize nila Aubrey at Troy ng kanilang sasakyan para gawing mobile home. Ibinida ito ni Aubrey at nagpasalamat sa galing ni Atoy at ganda ng kanilang sasakyan.