Titser na hinintay ang 7-taon upang mapakasalan lang ang kanyang 13-taon na estudyante

Talaga naman hindi mo alam kung sino at kailan ka matatamaan ng pag-ibig.Minsan hindi mo aakalain bigla na lang ito susulpot marahil totoo ito para sa dalawang ito na sina Erwin Pangalia at Vinda Virginia.

Ang Indonesian na magkasintahang ito ay natagpuan ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa na naging dahilan para sila ay humarap sa altar.

Si Erwin Pangalia ay dating naging guro ni Vinda noong High school pa lamang siya.

Ito palang si Vinda ang naunang nahulog ang loob sa kanyang guro at kung minsan pa ay nananatili siya pagkatapos ng klase ni Erwin upang makuha ang atensyon neto dahil marami sa kanyang mga kamag-aral ang may gusto kay Erwin.

Sa palaging pagtatanong ni Vinda tungkol sa klase at pagpapatulong sa pag-aaral para magkaroon sila ng maraming oras magkasama, sa wakas ay napanalunan niya din ang puso ni Erwin at nainlove sa kanya.

Ang kakaibang uri ng relasyong ito ay pumutaw ng maraming atensyon dahil marami ang nagtataka at nagsasabi hindi ito naaayon o normal ngunit ang magkasintahang ito ay hindi pinansin ang mga mapaniran puri ng ibang tao.

Hindi nila kinahihiya ang kanilang relasyon at kung tutuusin pa ay ibinahagi pa nilang dalawa ang mga larawan nilang magkasama simula noong guro at istudyante pa. Makikita pa sa larawan na nagkaroon sila ng date habang si Vinda ay nakasuot ng kanyang highschool uniform.

Matapos ang pitong taon na pagiging magkasintahan, sina Erwin at Vinda ngayon ay ganap ng mag-asawa.

Source: Elitereaders