Isang flight steward ng Cebu Pacific, kinarga ang isang baby na hindi tumitigil sa pag-iyak habang nagseserbisyo sa mga iba pang pasahero

Sabi nga ng karamihan sa atin “Kung gusto, may paraan.” At totoo naman, kahit sa panahon na ito ay isa pa din itong kasabihan na isinasabuhay ng karamihan sa atin. Para sa isang cabin crew na gustong tulungan ang mga papasok na pasahero sa eroplano, ang ibig sabihin nito ay ang magpatahan ng isang batang apo ng isang pasahero habang tinutulungan pa ang iba.

Source: Jumaya Guiabar Facebook

Isang pasahero na nagngangalang Jumaya Guiabar ang nagpost sa kaniyang Facebook page ng mga litrato ng isang steward ng Cebu Pacific na makikitang mayroong pasanin na bata habang umaalalay sa iba pang mga pasahero.

Source: Jumaya Guiabar Facebook

Ayon sa post ni Guiabar sa kaniyang Facebook page, nangyari ang lahat ng ito sa isang flight mula sa Pagadian papuntang Manila. Ang batang lalaki na kaniyang pinapatahan ay kasama ang kaniyang lola nang nagsimula siyang umiyak.

Source: Jumaya Guiabar Facebook

Nagpatuloy ito hanggang sa sumahimpapawid na ang eroplano, mga 30 minuto sabi sa post niya. Dahil sa malakas at hindi tumitigil na iyak ng bata, pinuntahan ito ng flight steward at inakay saglit hanggang sa tumahan ito.

Source: Jumaya Guiabar Facebook

Pagkatahan ay ibinalik ng steward ang bata sa kaniyang lola, at nang iwan ito ng steward ay humagulgol muli na para bang gusto ulit nito magpaakay sa steward, na kaniya namang ginawa. Pinasan ng mabait na steward ang bata habang inaasikaso naman ang mga pangangailangan ng iba pang mga pasahero. Habang bitbit siya ng steward, tahimik at kalmado ang bata na para bang kakilala na niya ng matagal na panahon ang bumubuhat sa kaniya.

Mahirap nang magbuhat at magpatahan ng isang umiiyak na bata, paano pa kung ginagawa mo ito habang umaalalay sa iba pang mga tao na nasa paligid mo? Kahit na gaano kahirap, pinagpatuloy pa din ng steward ang pagdala sa bata habang umaalalay sa mga pasahero sa kanilang flight. Kitang-kita na kahit mahirap ang kaniyang ginagawa, nagagawa pa din ngumiti ng flight steward sa mga pasaherong kaniyang tinutulungan at pati na din sa bata.

Source: Jumaya Guiabar Facebook

Kita din sa video na tumahan at hindi na muling umiyak ang batang pasan ng mabait na flight steward na hanggang ngayon ay hindi pa din napapangalanan sapagkat madaming inaasikaso ang flight steward na ito sa buong flight na iyon. Saludo ang lahat sa determinasyon ng flight steward na iyon sa kaniyang kagustuhan na tumulong at gawin ang kaniyang trabaho, kahit na ibig sabihin pa nito ay ang magpatahan ng isang bata habang tumutulong sa iba.

Credits: Jumaya Guiabar Facebook