Mga Celebrity Mommies na glooming pa rin kahit sa kalagitnaan ng kanilang pagbubuntis

Maraming mga pagbabago, pisikal man o emosyonal ang kinakaharap ng mga nagbubuntis kasama na rito ang kanilang mga katuwang sa buhay.

Pero hindi maikakaila na lubos na nakaka apekto ang kanilang pagbubuntis sa kanilang mga hitsura at body figure. Bahagi ito ng pagbubuntis kaya naman maging mga Pinoy celebrities ay hindi makakalagpas dito.

Pero iba ang mga walong female stars na ito na talagang napakaganda pa rin kahit sila ay mga buntis.

1) Marian Rivera
Siyempre numero uno na sa listahan ang Primetime queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.

Pinagbubuntis niya ang kaniyang ikalawang anak kay Primetime King Dingdong Dantes. Hindi lang iyan ang blessings sa kanya kundi mas umaapaw pa sa mga endorsements at mga awards na kanyang natatanggap.

2) Rochelle Pangilinan
Sino ba ang makakalimot sa Spaghetting pababa at pataas?

Wala pa ring nagbago sa naguumapaw na kagandahan ni Rochelle at makikita ang patuloy na good vibes sa kanyang buhay. Kitang-kita na masayang-masaya siya
sa mga posts niya sa social media.

3) Nadine Samonte

Produkto naman ng Star Struck at napakagaling na aktres ang nagbubuntis sa kanyang 2nd baby na si Nadine Samonte na nag uumapaw din sa kagandahan.

4) Andi Manzano
Isang radio jockey, TV Host at aktres din na si Andi Manzano ang gorgeous preggy mommy na sumasabay pa rin ang ganda.

Siguradong magiging maganda din ang kanyang susunod na anak dahil makikita naman ito kay Olivia na kanyang panganay.

5) Aubrey Miles 


Sumasabay din naman sa kagandahan ang Pinoy actress na si Aubrey Miles sa kanyang pagbubuntis sa kanyang ikatlong anak.

6) Nathalie Heart 


Lumulutang ang ganda ni Nathalie at mas lumutang pa ngayong siya ay nagbubuntis. Bagay na bagay ni Nathalie ang kanyang looks at di mapapansin siya ay ganap nang mommy.

7) LJ Reyes 


Produkto din naman ng Starstruck ang beautiful mommy na si LJ Reyes.

Hindi halata sa kanya ang pagbubuntis na nasa 32 weeks na pala.

8) Miriam Quiambao


Sino naman ba ang makakalimot kay Miss Universe 1st Runner Up 1991?

Pang Miss Universe pa rin ang kanyang ganda kahit na nasa edad 43 na siya at kanyang dinadala ang pang limang anak. Miracle baby na nga kung tawagin ito.