Totoong tatak Pinoy! Isang tribo ang gumawa ng sarili nilang bisekleta na gawa sa kahoy na may ukit pa ng iba’t ibang uri ng hayop na talagang pumatok sa mga netizens!

Mula sa napakabagal na usad ng trapiko, napakahabang pila ng MRT, nag-aagawang pasahero ng jeep at bus, nakasusulasok na amoy ng usok at mga nakabibinging busina ng mga sasakyan, iyan na nga yata ang ikot ng buhay ng mga tao sa kalsada.

Hindi pa man nagsisimula ang iyong araw ay pagod na pagod ka na dahil sa biyahe. Kaya naman, sa modernong panahon ngayon ay naging takbuhan at alternatibo na ang mga bisikleta, motorsiklo, electric bikes at mga scooter. Sumabay na nga sa agos ng panahon ang mga ito.

Pero, iba ang naisip ng tribong ito. Kahit pa moderno ang mga sasakyan na ito, ay nakakaisip pa rin ang ating mga katutubo ng mga imbesyon na sasabay pa rin sa modernong panahon natin.

Isang tribong nagngangalang Igolot-Garonne ang naka imbento ng isang bisikleta na gawa sa kahoy. Biro mo, ang sariling atin na materyales ay naisip ng ating mga katutubo na gamitin para makaimbento ng bisikleta. Tatak pinoy nga naman talaga ito.

Walang ibang pangunahing materyales ang bike na ito kundi ang kahoy na nanggaling sa puno. Tunay na environmental friendly din ito dahil wala itong ibubugang usok. Makakalikasan talaga ang sasakyan na ito lalo na sa kanyang materyales at hitsura.

Iba-iba ang hitsura nito. Magdedepende ang hitsura nito sa interes at kagustuhan ng mismong gumagawa. Ipinapakita ng mga manggagawa nito ang kanilang sariling katangian at mga mensahe sa pamamagitan nito.

Halos sa kanila ay mayroong mga hayop na imahe sa harapan. Gaya na lamang ng leon, kabayo, dragon at iba pa. Sa kanilang pagsakay, makikita ang pagsuot din nila ng kanilang cultural costume na karaniwan ay kulay pula. Suot-suot ito ay kumpleto na ang kanilang joy ride sa bisikletang ito.

Hindi lamang buwan ang ginugugol para makabuo. Higit sa isang taon ang pag gawa nito kaya naman nararapat lang na pahalagahan ang mga ganitong klase ng gawa.

Magensayo rin ng maigi bago sumabak dito dahil wala itong break o pedal kaya naman napakahalaga ng kaalaman kung pano gamitin ang mga ito.

Kilala ang tribong Igolot-Garonne bilang mga magagaling sa kanilang talino at kakayahan. Hindi lang iyon, pinapasa nila ang kanilang galing na ito sa mga susunod na henerasyon ng kanilang lahi. Kaya naman, mula sa kanununuan nila hanggang sa mga kabataan, ay natututunan nilang gawin ang produktong Tatak Pinoy.

Iba talaga ang produktong tatak pinoy. Subok sa tibay, tunay na kapaki-pakinabang at sinasalamin pa ang kulturang Pilipino!

Source: Goodtimes