Michael V, ipinagtapat ang totoo kung paano nakakapili ng bagong artistang isasali sa Bubble Gang at Pepito Manaloto

Kasama na nga sa hilera ng mga pangarap ang pagiging artista. Kung gusto mong yumaman at magkaroon ng maganda at maunlad na buhay hindi lang ikaw kundi pati pamilya. Isa lang ang sagot diyan kung gusto mo ito maabot ng mabilis, mag-artista ka. 

Kung tatanungin mo ang mga bata. Hindi na lang pagiging doktor, titser, inhinyero o arkitekto ang gusto nilang maging kundi maging artista. Kaya naman, nagsulputan ang iba’t ibang talent show at reality show sa mga naglalakihang networks tulad ng Pinoy Big Brother, The Voice, Starstruck, Pinoy Idol at iba pa na nagpapasikat talaga ng mga artista.

Pero hindi lang ang pagsikat ang mahirap, kung paanong sumabay din sa mundo ng showbiz ang isa pang dapat malagpasan. Dahil kung hindi ay maaaring mawala sayo ang ‘spotlight’.

Kamakailan lang ay nakikiusap si Mystica kay Michael V o Bitoy na isama siya sa kanyang mga shows sa GMA-7 na Bubble Gang o Pepito Manaloto. Pero ayon kay Bitoy sa kanyang post noong Dec 2, na hindi sa kanya nakasalalay ang pagpili ng mga artista sa kanyang mga show kundi GMA-7 pa rin ang magdedesisyon nito.

“Good morning Tweeps! “As much as gusto kong magpasok ng ibang artista para maging cast ng #BubbleGang & #PepitoManaloto, hanggang suggestion lang po ako. Nasa GMA Network po ang final decision,” dagdag pa ni Bitoy.

Kaugnay nito, nagsulputan ang mga reaksiyon ng mga netizens sa post ni Bitoy. Iniisip din ng mga netizens na ito ang sagot ni Bitoy sa request ni Mystica.

“Wag po kayo padala sa kadramahan Mystica hindi sya worth it bigyan pa ng chance mayabang kasi.”

“Bait mo talaga @michaelbitoygma maintindihan sana “nila” na hindi ka pwede magdikta kaya wag ka nila gawan ng panget na impressions kung hindi sila makasama sa sitcom mo idol!”

“Wag mong pansinin yung animal na Mystica na yo’n. Kung talagang may talent at matino sa buhay, pagkakalooban siya ng magandang project at career.”

Nabalitaan din na hindi lang kay Bitoy ay pati kay Dingdong Dantes ay nakiusap din si Mystica para makapasok sa kahit anumang show.

Matatandaang dating lumabas muli si Mystica sa ABS-CBN show na ‘Ang Probinsyano’. Binigyan siya ng break uli ni Coco Martin pero nawala din siya kalaunan.

Ang pag-aartista ay maaaring sagot upang umangat sa buhay. Pero hindi sa lahat ng panahon ay sagot ito, pwede din itong maglaho. Kaya lubusin na at magpakumbaba habang nasa iyo pa ang liwanag ng ‘spotlight’ mo.