Vice Ganda nabuhusan ng tubig si Jose Mari Chan dahil napagkamalan nyang ibang tao ito

Ikinuwento ni Vice na nangyari ito sa Tagaytay, sa kasal ng inaanak ni Jose Mari Chan at Showtime Co-host ni Vice na si Karyle. Magbabanyo sana si Vice kasama ang isa niyang kaibigan, ngunit sarado ang banyo para sa mga lalaki kaya niyaya siya ng kaibigan niya na sa CR nalang ng babae magbanyo. Agad silang pumasok sa banyo at mga cubicle nito.

Matapos ni Vice magbanyo agad niyang tinawag ang kanyang kasamang kaibigan. Kinalampag niya ang katabi niyang cubicle para makuha ang atensyon ng kaibigan niya. Patuloy niya itong kinatok habang sumisigaw ng “Bakla anong petsa na” patuloy niya itong ginawa at pagkatapos ay kumuha siya ng isang tabo ng tubig at ibinuhos ito sa baba ng katabing cubicle niya, inaasahan sana niyang mababasa ang kaibigan niya, lingid sa kaniyang kaalaman na ibang tao pala ang nasa cubicle.

Matapos buhusan inantay muna ni Vice na lumabas ang inaakala niyang kaibigan niya sa cubicle. Nagulat na lamang si Vice ng ibang tao ang lumabas. Lumabas mula sa cubicle si Jose Mari Chan, basa ang sapatos at pantalon dahil sa pagbuhos niya ng tubig. Agad na nangibabaw ang hiya kay Vice, “Gusto ko nang lumubog sa lupa ng panahon na yun” dahil sa kahihiyan.

Hindi makapaniwala si Vice sa kanyang nagawa, binasa niya lang naman ang isang respetadong mangaawit, isang mangaawit na halos “synonimous” na ang pangalan sa pasko. Isang music icon na ilang taon na ang career sa music industry, isang mangaawit na tinaguriang “Father of Philippine Christmas Music”.

Habang ikinukwento ito ni Vice tawang tawa ang madlang people sa kanyang pagsasalaysay. Idinagdag pa ni Vice na halos hindi siya makatingin kay Jose Mari Chan dahil sa sobrang hiya. Kaya mula noon ayon sa kanya ay unang Christmas song na pinatutugtog niyang kanta ay kay Joes Mari Chan bilang pagpupugay.