Peligro ng atake sa puso ay maaring mabawasan sa pamamagitan ng pagkain ng ibat-ibang klase ng mani!

Isang katatapos lamang na pagaaral ang inilathala sa Journal of the American Medical Association patungkol sa pagkain ng mani at natuklasan ng pagaaral na ito na ang pagkain ng mani ay nakakatulong na maiwasan ang sakit sa puso.

Ang pag-aaral ay ginawa sa pakiisa 70000 na indibidwal galing sa USA at 130000 namang mga indibidwal galing Shanghai, China. Ang mga nakibahagi ay nagmula sa ibat-ibang lahi tulad ng Caucasian, African, American at Asian na nasa mababang estado ng buhay.

Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang pagkain ng mani ay nakakabawas ng bilang ng pagkam@tay dulot ng sakit sa puso. Lumalabas na nabawasan ang kabuuang bilang ng mga nam@matay mula 17 hanggang 21 porsiyento sa mga lumahok. Pumapalo ang bilang ng mga namamatay sanhi ng sakit sa puso sa pagitan ng 23 hanggang 38 porsiyento.


“We found that peanut consumption was associated with reduced total mortality and cardiovascular dis3ase mortality in a predominantly low-income black and white population in the US, and among Chinese men and women living in Shanghai,” pahayag ng senior author na si Xiao-Ou Shu, associate director ng Global Health sa Vanderbilt-Ingram C@ncer Center (VICC).

“The results suggest that including a modest amount of nuts as part of a well-balanced diet may be of benefit,” pahayag ni Peter Weissberg, director ng British Heart Foundation.
“The data do not show that the more peanuts you eat the lower the risk of a serious heart att@ck, so people should not start eating large quantities of nuts, particularly salted nuts, in the hope that it will protect them from heart disease,” dagdag ni Weissberg.


Ngunit may paalala ang coauthor ng pagaaral na si William Blot ang datos ay mula sa “observational epidemiological study” at hindi “randomized clinical trials”, “we cannot be sure that peanuts per se were responsible for the reduced mortality observed.” Kaya mahalagang tandaan na ang mani ay hindi gamot sa puso at hindi dapat gamiting panggamot ng anumang sakit sa puso.

Source: GMANetwork