Nanay ni Vice Ganda, hiniling sa Anak na makapanood ng Live ng Eat Bulaga sa mismong Studio nito


Ang mapasaya ang ina ang isa sa mga pinaka mahalagang bagay na kaya nating gawin bilang mga anak. Matapos ang ilang buwan na pagdadala nila sa atin at ilang taon ng pagsasakripisyo sa ating buhay, mararapat lamang na sila ay pasayahin at ibalik ang lahat ng kanyang ginawa para sa atin.

Iba-iba tayo ng paraan kung paano sila mapapasaya. Maaaring dalhin sila sa mall at bilhin ang mga gusto nilang damit, sapatos o gamit sa bahay. Pwede rin namang ipagluto sila sa bahay at papagpahingain sila. Pwede rin namang dalhin sila sa parlor at mas pagandahin pa sila mula ulo hanggang paa. Habang ang iba nama’y sapat na ang diploma at ang magtagumpay sa buhay bilang pag tanaw ng utang na loob.

Pero iba ang hiling ng mommy ng Unkabogable Star na si Vice Ganda. Siguradong ibinigay na lahat ng materyal at pasarap sa buhay sa mundong ito ni Vice sa kanyang mommy. Makikita naman na talagang mayaman na si Vice at sobrang blessed si mommy sa kanya.

Nakuha na ding makita ni mommy halos lahat ng mga artista sa ABS-CBN. Ano pa nga ba ang hahanapin at hihilingin ni mommy kay Vice?

Pero ayon kay Vice sa kanyang sinabi sa It’s Showtime, hiling ng kanyang nanay na manood ng Eat Bulaga. Idol na idol talaga kasi niya sina Tito Vic and Joey. Kaya naman nagulantang at pilit iniisip kung paano ito pagbibigyan ni Vice.

May rampa kami bukas niyan. May gusto siyang panoorin, e. Gusto niya raw manood ng live ng Eat Bulaga… Ang dami ko nang nakitang artista sa ABS-CBN, gusto ko namang makita si Vic Sotto… Fan siya ng Tito, Vic, and Joey,” saad ni Vice.

Nagbiro pa si Vice na pupunta sila sa Broadway at manonood doon ng live. Pero sinabi pa ni Vice, na baka hindi daw siya papasukin doon dahil bawal ang kabayo doon.

“Dadalhin kita sa Broadway. Kaso baka ikaw lang ang papasukin (kasi) bawal ang kabayo, bawal ang kabayo. Sa labas na lang ako. Mag-aantay ng Sugod Bahay… Fan siya ng Tito, Vic, and Joey…” dagdag pa ni Vice.

Nasabi ito ni Vice matapos tanungin ni Vhong kung ano ba ang plano niyang quality time kasama si Nanay Rosario.  Tila napaka normal nga ng biruan ni Vice at Vhong tungkol dito kahit na rival program ng It’s Showtime ang Eat Bulaga.

Makikita dito kung gaano kamahal ni Vice ang kanyang mommy. Kaya naman, patuloy lang natin pahalagahan ang ating mga ina. At sa simpleng bagay lang ay mapasaya natin sila.