15-Talampakang buwaya na diumanoy nangangain ng tao, nahuli sa Balabac, Palawan.

Isang labi ng 33-anyos na lalaki, isang mangingisda ang natagpuan sa Sitio Bual, Barangay Malaking Ilog na putol ang kanang kamay at kaliwang paa. Hinihinalang ito ay kagagawan ng isang buwaya na diumanoy nangangain ng tao. Ang insidenteng ito ay labis na ikinabahala ng mga residents ng Balabac. Agad namang kumilos ang mga kawani ng gobyerno.

Mabilis silang kumilos upang agad na makapagsagawa ng entrapment ang PCSD at noong Sabado nahuli nila ang isang buwayang 15 talampakan ang haba at tumitimbang ng 400-500 kilos. Ang buwayang ito ang hinihinalang salarin sa pagkam@tay ng mangingisda, isang dambuhalang salt water crocodile na kasinlaki na ng maliit na bangkang pangisda, na may malalakas na panga na kayang dumurog ng buto at gumutay gutay ng laman.

Ang biktima na isang mangingisda ay umalis lamang upang tignan ang kaniyang bangka, ang sabi ng kanyang ama, ngunit sa kasamaang palad lang ay hindi na ito nakabalik. Malakas ang kutob ng ama ng biktima na isang buwaya ang nakapatay sa kaniyang anak dahil sa mga balitang may namamataang buwaya sa kanilang lugar.

Ang buwayang nahuli ay nasa kustodiya ng Coast Guard Substation & 2nd Special Operations Unit- Maritime Group sa Balabac at nakatakda itong dahil sa lungsod ng Puerto Princesa upang mailipat sa pangangalaga ng Palawan Wildlife Rescue & Conservation Center kung saan magsasagawa ng mga pagsusuri para malaman kung ano ang laman ng tiyan ng buwaya at para mapatunayan kung ito ba talaga ang kumain sa mangingisda.

Ang mga taga Balabac ay sanay na sa mga buwaya ngunit ang insidenteng ito ay tiyak na magtatanim na naman ng takot sa mga residente ng Balabac. Pero ayon narin sa mga eksperto ang mga tao ay hindi natural na “prey” ng buwaya ngunit ang patuloy na paglawak ng mga komunidad ng tao patungo sa natural na tirahan ng mga buwaya ang patuloy na naglalagay sa kanila sa delikadong sitwasyon.