Iza Calzado, lalong lumutang ang kagandahan suot ang iba’t ibang puting Wedding dress

Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng buhay ng isang tao ang makita niya ang isang taong gusto niyang makasama habang buhay. Kaya naman, para mas mapalalim ang pagsasamahan at pagmamahalan, ang kasal ang isa ding mahalagang parte ng love story ng dalawang taong nagmamahalan.

Lahat nga naman ay mayroong sariling version ng ating ‘dream wedding’. Mula sa lugar, kung beach wedding o church wedding, kung intimate ba o bukas sa madla, maging ang motif sa kasal kung anong kulay ba o theme tulad ng vintage, Italian o traditional Filipino. Diyan na rin nakasalalay ang dream wedding gown ng future bride.

 

View this post on Instagram

 

Have you grabbed a copy of the Mega Weddings book? 👰🏽 @mega_magazine

A post shared by Iza Calzado (@missizacalzado) on


Hindi nga naman makukumpleto ang entourage kung wala ang wedding gown na magpapaningning sa angking ganda ng bride.

Kaya naman, handang handa na si ABS-CBN actress na si Iza Calzado na lumalabas sa Ngayon at Kailanman sa kanyang paparating na kasal.

 

View this post on Instagram

 

Count down begins!!! 👰🏽 #MetroWeddings

A post shared by Iza Calzado (@missizacalzado) on


Hindi maikakaila na inaabangan ng lahat ang kanyang kasal at ang magiging future Mrs. Wintle lalo na sa kanyang magiging wedding gown sa araw ng kasal.

May pahapyaw na rito ang isang magazine na ifineature si Iza bilang isang bride suot suot ang iba’t-ibang magagarbong wedding gowns.

Una na rito ay ang elegant bridal gown na isinuot niya na inilabas ng Mega Weddings book. Makikita dito ang fierce look ni Iza na mas nagpainit dahil sa eleganteng wedding gown na suot niya.

“Ganda, simple, at elegant” iyan ang tatlong salita na nanguna sa mga netizens sa larawang ito.

Nandito rin naman ang Classy Wedding dress na patunay na pang world class talaga ang beauty ni Iza.

Hindi rin maikakaila na naidala ng husto ni Iza ang gown na ito. Kaya naman ito na lang nasabi ng mga netizens sa kanilang nakita
“An epitome of classic beauty”.

Sumunod naman dito ang classic wedding gown. “Kamukha nya nga si Mother Mary!” Naihalintulad pa si Iza kay Blessed Mary dahil sa taglay niyang ganda.

Kapansin-pansin ang classic beauty dito ni Iza na mas nagbigay ng kulay sa aura ni Iza.

Panghuli, pretty ruffled layered bridal dress naman ang ibinida dito sa Metro Weddings. Wala namang papantay sa napaka blooming at gorgeous na dating dito ni Iza. Bumida naman dito ang pagiging elegante ni Iza.

“Walang kupas ang ganda mo pa rin,” iyan naman ang sambit ng mga fans ni Iza.

Kahit ano nga namang isuot ni Iza, ay di maitatago ang kanyang angking kagandahan. Kaya naman masaya ang lahat at inaabangan ang kanyang paparating na beach wedding sa buwang ito.

Sa palagay mo, sa anong klasing wedding gown babagay si Iza?