Bibili lang daw ng Payong ang Nanay nila pero ilang oras na ang nakalipas at hindi pa rin ito bumabalik

Mahirap mag-isip kung bakit ka iniwan, kung ano ba ang mali o may nagawa ka bang hindi kanais-nais. Iba’t-ibang rason o dahilan kung bakit tayo iniiwan. Maaaring maiintindihan natin o kadalasan ay hindi. Pero isang bagay lang ang nararamdaman ng lahat kapag iniiwan. Lahat ng iniwan ay nasasaktan, natatakot at umiiyak. Pilit mag-iisip kung babalikan ka pa o patuloy ka na lang maghihintay sa kawalan.

Pero iba ang kwento ng mga batang ito.
Nakita ng isang netizen na si Myleen Delos Reyes De Villar ang magkapatid na ito na nasa labas ng Mang Inasal sa Velenzuela City.

Nag-viral ito at umani ng iba’t ibang reaksiyon sa mga netizens at napag alaman na iniwan sila ng kanilang ina matapos magpaalam ang ina na bibili ng payong at hindi na ito bumalik.

Mula pa sa Tondo ang magkapatid na ito at sanggol pa ang isa, alas sais ng umaga pa nang iniwan ng ina at halos ilang oras na silang nandoon.

Nakita sila na umiiyak dahil inaasahan nilang babalik ang kanyang ina, dahil na rin sa gutom ay patuloy ang kanilang pag-iyak.

Buti na lang at tinulungan sila ng mga staff ng Mang Inasal at sila’y binigyan ng libreng pagkain. Maging ang mga dumadaan doon ay nag-abot na rin ng tulong. May mga nag alok na rin na iuwi na lang sila sa kanila pero hindi nila alam ang dain pauwi dahil mayroon din itong kalayuan. Napakasayang malaman na kahit sa ganitong klasi ng sitwasyon ay mayroon pa ring mga taong nagaabot ng tulong sa mga nangangailangan.

Iba’t-ibang reaksiyon naman mula sa mga netizens ang naglabasan dahil sa ginawa ng ina. Marami ang nag-alala at tila nagalit sa ina dahil umano sa kaniyang kapabayaan. “Wag kayong anak ng anak,Kong hindi nyo kaya buhayin ,na kakaawa lang mga bata…parang basura lang,basta2x nyo lang iiwan”. “Kawawa naman, ano na nangyari sa mga Bata. Kung Hindi kayang mag aruga wag mag anak”. ” Sana man lang may nagdala sa kanila sa DSWD. So nasab sila now? Nasa harap parin ng kainan naghihintay?”

Makikita sa mga komentong ito ang lubos na pagkagalit sa ina. Habang mayroong iba naman na binigyan ng konsiderasyon ang una at mas inisip ang kapakanan ng ina. “Baka naman may nangyaring masama sa nanay nila kaya hindi nakabalik?!! Di natin alam, wag tayo agad humusga!” Buti nalang ay may netizen na ibinalitang nagkita na silang magpapamilya at binalikan na sila ng ina. Ang nakapagtataka lang, ay kung saan kaya nanggaling ang ina?